True Color
Third Person's POV
Namilipit sa sakit si Beauty nang siya ay magising. Naulinigan niya ang hikbi ng kapatid.
Dama pa rin niya ang nanunuot na sakit sa kanyang batok. May kung anong bagay ang nakagapos sa kanyang mga kamay, paa at leeg.
"Ate mabuti naman gising ka na!" pilit niyang inaabot ang kapatid ngunit dahil sa kadenang nakatali sa kanyang mga paa, kamay at leeg ay di niya magawang hawakan ito.
Napahawak si Beauty sa kanyang leeg. Balot ito ng makapal na kwentas na bakal.
"Hayop siya Starcle! Niluko niya tayo." nagtunugan ang mga ngipin na nagsalpukan sa bibig nito.
Habang nagdurusa ang dalawa sa loob ng selda ay siya namang paglitaw ng taong kanilang kinamumuhian.
"Pakawalan niyo kami dito! Hayop ka Colvin!" halos maputol ang ngala ngala nito sa lakas ng kanyang sigaw.
Tumunog naman ang mga kadena na pilit niyang hinihila ng buong lakas.
"Ang problema kasi sa'yo ay masyado kang pakialamera! Kung hindi ka sana pumasok sa sekretong silid edi sana magkakampi pa rin tayo ngayon." malamig ang mga mata nitong nakatitig sa dalawa.
"Paano mo ito nagawa, Colvin?! Pinagkatiwalaan ka namin!" sabi ni Pretty na halos mapigtas na ang mga ugat kakapumiglas sa mga kadenang nakatali sa kanya.
Naglinis naman ng tainga si Colvin. Tila naririndi siya sa ingay ng dalawa.
Biglang may gwardiyang pumasok.
"Panginoon, nawala na po sa ating kontrol ang dragon na pina atake natin sa bayan." sabi ng kawal na pula ang kulay ng buhok at tadtad ng tattoo sa katawan.
"Alam ko. Di bale na lang manghuhuli na lang ulit ako ng iba pang dragon." sabi nito.
"Nga po pala kamahalan hindi man kagaya ng plinano natin ang lawak ng pinsala ng bayan ay marami pa rin namang kabahayan ang nawasak." sabi ng kawal.
Lalo namang nagliliyab sa galit sina Beauty at Pretty dahil sa narinig. Hindi nila akalaing magagawa ni Colvin na ipa atake ang bayan sa isang mabangis na dragon.
"Nahihibang ka na talaga! Wala kang kasing sama!" sabi ni Beauty gusto niyang kalmutin ang lalaki pero di niya ito maabot. "Hindi ka na naawa sa mga taong bayan!"
Hinawakan niya ang mukha ng dalaga at pinilipit ito. Dahilan para halos mayupi na parang lata ang mukha nito.
"Mga basura lamang ang mga taong iyon. Walang halaga. Ang kagaya nilang mahihina ay hindi na dapat binibigyan ng pagkakataong mabuhay." sabi nito sabay bitaw sa mukha ng dalaga. "Mga walang kwenta!"
Napadura naman ng pulang likido si Beauty.
"Sa ginagawa mo ngayon Colvin parang mas bagay sa'yo ang salitang walang kwenta!" dumagundong ang tinig ni Beauty sa madilim at nilulumot na bilanguan.
Nagsalpukan namang ang panga ng binata. Pinatunog nito ang leeg saka mabilis na pinalakbay ang mga kamay papunta sa baku-bakung mukha ng dalaga.
Isang malakas na tunog ng 'pak' ang maririnig pagkatapos dumapo ang mabigat na palad sa mukha ni Beauty.
Halos mabingi at tumabingi ang pobreng mukha nito. Bumukas naman ang gilid ng ibabang labi nito dahilan para umagos ang pulang tubig dito.
"Hayop ka!" parang asong gustong manakmal na sigaw ni Pretty. Kung wala lang siyang tali ay malamang binigwasan na niya ang pangahas na binata.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...