Chapter 38

270 33 0
                                    

Firefly Festival

Valena

Dahil kay Vanirie lumilipad tuloy ang utak ko noong makausap ko ang hari.

Buti na lang at nakabawi ako nang iregalo ko sa kanya ang chamomile with peppermint tea.

"Mabisa po iyan pang pakalma. At kung hirap naman po kayong makatulog ay inomin niyo lang iyan at siguradong mahimbing ang tulog mo kamahalan." sabi ko.

"Para sa kagaya kong may edad na ay makakatulong talaga ito ng malaki. Kahanga-hanga at ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng tsaa." kumikinang na parang bituwin ang mga mata nito.

Nagulat naman ako sa sinabi ng hari. May edad? Tama ba ang narinig ko?

Hindi ba't mukha lamang siyang nasa mid 30's? Napamaang ako sa aking narinig.

Muli pa akong napakurap kurap ng mata. Nilinis ang aking tainga baka kasi marami ng nakabara dito.

"Kung hindi niyo po mamasamain kamahalan, bakit niyo po nasabing may edad na, eh mukha pa ho kayong nasa mid 30's."

Kumurba naman ang labi ng hari. Napahaplos sa kanyang balbas.

Halos mapasigaw ako sa kanyang sinabi na siya ay 70 anyos na. Muntik ko ng malunok ang aking ngala-ngala sa aking nalaman.

Lihim na lang akong napa sana all. Mukha yatang naka inom siya ng tubig mula sa fountain of youth dahil hindi man lang kakakitaan ng kahit isang hibla ng kulubot ang kanyang balat.

+++++++

Matapos kaming mag-usap ng hari ay muli kong nakita 'yong batang babae na balatkayo ni Vanirie sa may hallway.

Para lang siyang nakikipaglaro ng habulan sa akin. Dahil kapag napapalapit na ako sa kanya ay lumalayo naman siya sa akin.

Para siyang bolang tumatalbog talbog sa ere dahil higit sa pangkaraniwan ang taas ng kanyang talon.

Hindi ko alam pero tila may pwersang nagtutulak sa akin para sundan siya. Kahit labag sa isip ko pero hindi ko naman mapigilan ang aking mga paa na mapasunod.

Bigla itong nawala sa may pasilyo. Maari kayang lumihis siya pakaliwa?

Nagitla naman ako dahil sa isang taong lumabas mula sa kaliwang bahagi ng hallway.

Nagkatama ang aming paningin. Hindi ko alam ngunit tila sinilaban ang aking pisngi.

Hindi ko inaasahang dito pa kami magkikitang dalawa. Wala naman kahirap hirap na naikubli ko ang aking pagkataranta.

Naka poker face lamang ako habang hindi bumitaw sa koneksyon ng aming mga mata.

Inaasahan ko nang matapos kaming magkatinginan ay aakto na lamang na walang nakita. Tuloy lang at walang pakialamanan.

Subalit mali ako.

"Andito ka lang pala. Alam mo bang hinahanap ka na nila lalo na ni Prinsesa Aleca." sabi nito. Hindi ko matantsa kung galit ba ang boses niya o dala lang din ng pagkabigla niya kaya tila may pag angat ito.

At bakit tila hindi siya nagulat na makita ako dito sa palasyo? Siguro ay naikwento na sa kanya ng prinsesa.

"Parang nanigas na yata ang panga mo at hindi ka na makapag salita d'yan." sabi nito.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon