The Hunt
VALENA
"Magsihanda na kayo. Manghuhuli tayo ng prinsipe."
"Masusunod kamahalan." sabay na sagot ni Beauty at Pretty.
Naghihintay naman sa labas ng palasyo sina Pogi at Gwapo.
Isang araw na ang nakalipas mula nang nalaman ko ang lokasyon ng prinsipe.
Siya ay nasa isang maliit na nayon sa dulong bahagi ng kahariang ito. Naghahanap ng mga impormasyon para sa kanyang nawawalang prinsesa.
Gusto niya ng prinsesa pwes ibibigay ko sa kanya ang hinahanap niya. Napangiti ako nang may bahid ng kasamaan.
+++++++
Hindi naglaon ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Isang tagong bundok malapit sa nayon kung nasaan ang prinsipe.
Phase 1 ng plano ay ang linlangin ang prinsipe. At ang gagawa nito ay walang iba kundi si Pretty. Binago ko ang kanyang anyo at ngayon ay isa na siyang kaawa awang matanda. Uugod ugod siyang maglakad at halos maghiwa hiwalay na ang mga joints niya sa labis na kapayatan.
Gamit ang aking kapangyarihan ay ginawa kong isang palasyo ang isang luma at sira sirang kubo. Para kabute namang sumulpot ang magarang palasyo sa gitna ng kakahoyan.
Inutusan ko ang aking spy na uwak na sumahimpapawid upang mapagmasdan ko si Pretty habang kumikilos na papuntang nayon para isagawa ang unang yugto ng plano.
Paika ikang naglalakad si Pretty papunta sa sentrong bahagi ng nayon. Wala namang pakialam ang mga taong naroon sa kanya. Aligaga lang ang mga ito sa kani kanilang mga pang araw araw na gawain.
Nang matunton niya ang kinaroroonan ng prinsipe. Hindi na siya nag aksaya pa ng oras.
Nilapitan niya ang prinsipe na noon ay kasalukuyang bumibili ng prutas sa isang tindahan sa merkado.
"Hijo pwede mo ba akong mabigyan ng kahit isang piraso lang ng mansanas."paawang wika ni Pretty sa tindero ng mga prutas.
Buong pandidiri siyang tiningnan ng tindero. "Wala na hung libre sa panahong ito tanda!"walang galang nitong sagot. "Sige alis na! Tsupe!"dagdag pa nito na binugaw ang matanda na parang langaw.
Kumuha naman ng mansanas ang prinsipe at ibinigay kay Pretty.
"Sagot ko na'to. Ipagbalot mo rin ako ng maraming prutas at ibigay mo kay lola. Ako na ang bahalang mag bayad."maginoong sabi ng prinsipe.
Magaling namang artista si Pretty dahil agad na may mga luhang namuo sa kanyang mga mata.
Humagulgol ito habang lumuhod na nagpasalamat sa binata.
"Mabuti ang iyong kalooban ginoo. Salamat, maraming maraming salamat."wika ni Pretty na pang OSCAR ang aktingan.
Mabilis naman siyang inalalayan patayo ng prinsipe.
"Wala yun lola. Tsaka wag na kayong lumuhod."wika nito at inalalayan niya ang matanda."Ihahatid na kita sa inyo lola."nakangiting alok nito.
Mukhang nakukuha na ni Pretty ang loob ng manyakis na prinsipe. Kaunti na lang at mahuhulog na ito sa aming bitag.
"Napakabuti mo hijo. Ngunit may kalayuan ang aking tahanan mula rito kaya huwag ka ng mag abala pa. Nakakahiya."
"Ayos lang po lola. Huwag niyo po akong alalahanin at ako'y bata at malakas pa."sabi naman nito na ngumiti upang mapanatag ang matanda.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...