I Came From Another WorldGwapo
Halos hindi na kami makagalaw dahil sa pinsala na aming natamo.
Mabuti na lamang at biglang lumitaw si Crochet.
"Alam kong kailangan niyo ng tulong kaya hinanap ko agad kayo. Pasensya na at medyo nahuli ako ng dating. Medyo nakakalito kasi ang daan sa pasilyong ito." sabi ni Crochet at nag umpisa na niya kaming pagalingin.
Dahil sa tulong ni Crochet ay nanumbalik ang aming mga lakas.
"Mukhang hirap yata kayo dalawa sa inyong kalaban." sabi nito na parang gurong hindi natutuwa sa kanyang mga estudyante.
"Kasi naman hindi namin sila masundan! Tsaka ang bilis nila sa ilalim ng tubig." reklamo ko pa na parang estudyanteng nagmamaktol.
"At tsaka ginagamit din nilang taguan ang pader na tubig na nilikha nila." sabi naman ni kuya.
"Hmm... Madali lang yan, pwersahin niyo silang lumabas." sabi ni Crochet na ikinakunot ng noo ko.
"Ni hindi nga namin makita ang bawat kilos nila ang pwersahin pa kaya sila na lumabas?" reklamo ko.
Kaya ayon nakatanggap tuloy ako ng batok mula kay Crochet.
Pagkatapos ay may ibinulong siya sa amin.
Halos matampal ko ang aking sarili dahil sa stratehiyang sinabi ni Crochet.
Paanong hindi namin iyon naisip? Mga bob* talaga kami.
Humanda sila ngayon. Tiyak na kukulo ang mga dugo nila sa gagawin namin.
Lumikha na kami ng magic shapes ni kuya.
At sa nilikha kong magic shapes ay lumikha ako ng napakalakas na apoy at si kuya naman ay lumikha ng mga nagbabagang mga bato.
"Ano namang magagawa ng apoy sa tubig namin?" pangungutya ng dalawa.
Hindi na lang namin sila pinansin at pinalibutan ng apoy ang bawat gilid ng tubig na pader.
Isa isa namang pinag babato ni kuya ang mga bato sa loob ng tubig.
Noong una ay tatawa tawa pa ang mga ito.
Ngunit makaraan ang ilang minuto ay nag umpisa ng kumulo ang tubig na kinaroroonan nila.
Dahil sa matinding init ay napilitan silang lumabas.
At dahil hindi na sila makakabalik sa pader na tubig dahil kumukulo na ito sa sobrang init ay pagkakataon na namin para gumanti.
Pinaulanan namin ng suntok at mga sipa ang mga kalaban.
Oo nga't malakas sila kapag may tubig pero kapag nasa lupa iba na ang usapan.
Nagkabali bali ang mga buto nila sa lakas ng mga sipa at suntok namin.
Dahil sa sobrang pagiging desperado ay bumalik pa talaga ang mga ito sa pader na tubig.
Sa pag aakalang muli silang gagaling kapag pumasok sila doon.
Nakalimutan yata nilang kumukulo na iyon sa sobrang init.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...