Chapter 45

192 15 2
                                    


Summoning Magic

VALENA

Alam kong magagamit ko ang kakayahang mag summon sa aming gagawing pagliligtas kay Rena kaya kailangan matutonan ko kung paano gumamit ng summoning magic.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng pananabik dulot ng antisipasyon na may bago na naman akong malalaman.

Subalit agad ring nawala ang pakiramdam kong iyon nang mapag alaman kong hindi basta basta nagbabahagi ng kanilang kaalaman sa taga labas ang mga Karkarao.

Para sa kanila sagrado ang summoning magic na para lamang sa kanilang tribu.

Mukha yatang mauuwi lang sa pangarap ang aking kagustuhang matuto nito.

Gayun pa man hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi ko nilubayan si nanay Imras at nagpatuloy ako sa pagtatanong sa kaniya sa mga kailangan kong gawin upang payagan nila akong matutunan ang kanilang pamamaraan.

"Wala po bang talagang paraan upang ako ay payagan niyong matuto ng summoning magic nay Imras?" nagsusumamo ang aking boses at pinagmukha kong mata ng tuta ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya.

"Sadyang makulit kang binibini. Kung gusto mo talagang payagan ka ng aming Datu na matuto ng summoning magic may dalawang paraan lamang ang pwede mong subukan.

Una, kailangan mong maging parte ng aming tribu. Ngunit nangangahulugan iyon na ikaw ay maninirahan dito ng ilang taon."

Halos mapangiwi ako sa sinabi niya, mukhang hindi viable ang unang option para sa akin.

Kaya lang naman kami nagtatagal dito ng kaunti dahil ginagawa pa ang bangkang sasakyan namin upang makapaglakbay na ulit kami patungo sa Protona Kingdom.

Tsaka wala akong balak na manirahan sa lugar na ito ng ganun ka tagal.

Hindi naman maipagkakaila na mala paraiso itong isla at mababait rin ang mga tao pero may misyon pa akong kailangang gawin sa buhay kaya naman imposible talagang manirahan ako dito at maging parte ng tribu.

"At ang pangalawa na tiyak akong hindi mo rin kakayanin ay kung matalo mo sa isang duwelo si Datu Araw." sabi nito.

"Ibig niyo pong sabihin makakapagsanay na ako ng summoning magic kapag natalo ko sa isang laban ang Datu?" hindi ko pinahalata ang aking pagkasabik mula sa nalaman.

Tumango tango naman siya ngunit nakita kong napangiti siya ng makahalugan. "Ngunit binabalaan kita wala pang sinoman ang nakakatalo kay Datu Araw sa isang duwelo. Pero wala namang masama kung susubukan mo, hindi ba?"

Medyo napalunok ako ng laway sa sinabi ni nanay Imras. Mukha yatang napakalakas ng Datu dahil kita kong napaka kampante nito na hindi ko matatalo ang datu ng tribu.

Pero iyon na lamang ang bukod tanging paraan upang matuto ako ng summoning magic.

Wala rin namang masama kong susubukan ko siyang labanan.

"Paano ko po malalabanan ang datu, babaylang Imras?" tanong ko sa kanya.

"Ako ng bahala tungkol diyan. Kung handa ka talagang labanan siya ay marapat na ihanda mo ang iyong sarili. Kakailanganin ng dalawang araw bago siya tumugon sa iyong hamon. At kapag tinanggap niya ang iyong hamon may matatanggap kang gintong punyal. Tanda na handa na siyang makipag duwelo sa iyo." sabi niya sa akin.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon