Chapter 26

292 29 0
                                    

The Decoy

VALENA

Dahil fire element ang dragon ay naisipan kong magtawag ng back up. Ano nga ba ang mahigpit na kalaban ng apoy, edi tubig. Char. Feeling genius lang.

Second skill ng enhance magic ang Craft. Gamit ang skill na ito kaya kong mag craft ng bagay na may kinalaman sa element. Kunyari, gusto kong mas palakasin ang ningas ng nilikha kong apoy, so magka craft ako ng fuel para mas magiging malakas ang apoy na nilikha ko.

Pero sa kasong ito nag craft ako ng mga ulap. Malalaki at maiitim na ulap. Tingnan ko lang kong makakalaban ba ang mainiting dragon na yan.

"Ang kagandahan ng skill na craft ay mas napapalakas mo ang iyong atake ng hindi kumkunsumo ng enerhiya. Mas tatagal ka sa laban while nakakagamit ka ng mas malalakas na atake." sabi ni Crochet.

Nag umpisa ng magsihulog ang malalaking butil ng ulan sa kinaroroonan ng dragon. Nagkaroon ng steam dahil sa paghahalo ng tubig at ng apoy.

Unti unti na ring naapula ang mga nasusunog na mga bahay dahil sa ulan. Mukhang ramdam na ng dragon ang basang kapaligiran. Para siyang kalan na binuhusan ng tubig at unti unting namamatay ang mga baga sa kanyang katawan.

Alam kong mas malaking pinsala ang matatamo ng bayan kung dito ko lalabanan ang dragon.

Gamit ang teleportation magic ay lumipat kami ng pwesto. Sa kasong ito kung saan napakalaking nilalang ang susubukan kong ilipat ng lugar ay kinailangan kong gumamit ng espesyal na teleportation magic.

Naging mahinahon ang aking paghinga kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Nang muli kong buksan ang aking mga mata ay lumitaw ang tatlong hugis ng magic shapes. Una ang magic circle, sinundan ng magic triangle at ang panghuli ang magic square.

Ilang saglit pa ay biglang may mga kadenang gawa sa ginto ang pumulupot sa dragon. Kasabay ng paglitaw ng mga pintuang gawa sa diamante. Sampung pintuan ito na nakapalibot sa kanya. Unti unting naglabas ng liwanag ang lupang kanyang kinalalagyan.

At may nabuong tila napaka laking bibig sa tapat ng dragon. Sa bibig nagmumula ang mga kadenang gumapos sa kanya. Dahan dahang hinihila ng mga kadena ang dragon papapasok sa malahiganteng bibig.

Para itong sawang nilunok ang nabiktimang kambing.

Ilang daang metro lang ang kaya kong marating gamit ang teleportation magic kaya sa malapit na abandunadong minehan ko lang siya nadala.

Okay na rin dahil nagawa ko siyang mailayo mula sa bayan.

Pakiramdam ko nangalahati kaagad ang aking lakas dahil sa ginawa kong teleportation magic. Kahit paano ay napanatag na rin ako dahil alam kong nailayo ko sa kapahamakan ang taong bayan. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng matinding tensyon. Kailangang mapigilan ko ang nilalang na ito dahil kung hindi tyak akong babalik ito sa bayan.

Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi ng lakas nang biglang lumipad ang dragon palapit sa akin. Hindi ko akalaing kaya niyang maging maliksi sa kabila ng kanyang laki at bigat.

Lumikha naman ng malakas na bugso ng hangin ang pagpagaspas niya ng kanyang naglalakihang pakpak. Nagliparan ang mga alikabok at maliit na mga bato. Samantalang nabuwal ang maraming puno na nasa malapit.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon