The Forgotten Hero
VALENA
Dahil sa napag alaman ko tungkol sa selective merging minabuti kong mangalap pa ng ibang kaalaman.May hawak akong glass wine habang nag-uusap kami ni Crochet. Ang dami kasing wine na nandito sa Manor kaya sayang naman kung di ko matikman.
Lubos-lubosin ko na'to kasi di naman ako nakaranas makainom ng elegante at mamahaling wine sa earth.
Tinanong ko na si Crochet tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa level two magic.
Winagayway pa niya ang kanyang mga buntot bago sumagot.
"Upang lubusan mong maunawan. Susubukan kong ipaliwanag sa'yo ang ilan sa mahalagang kaalaman tungkol sa level two magic.
Kagaya ng level one magic may mga skills ring nadadagdag noong naging level two na ang magic mo.
Ito yung mga skills na: merge, summon at craft." panimula ni Crochet.
"Kung tama ang hinala ko malamang kagaya ng merge na may higher level, which is selective merging, mayroon ding higher level ang craft at summon, tama ba?" sabi ko naman. Inalog-alog ko ang wine glass na hawak ko sa aking kanang kamay dahilan para umalon-alon ang mala kulay dugong likido na nasa loob nito.
"Tama! Pero di ko muna sasabibin sa'yo ang mga detalye tungkol sa craft at summon sa ngayon dahil gusto ko mag enjoy ka muna." sabi niya.
Muntik ko pa tuloy mabitawan ang hawak kong wine glass dahil sa sinabi niya.
"Ang daya mo naman Crochet!" nirolyo ko ang aking nguso dahil naiinis ako sa kanya.
"Focus muna tayo sa merge at selective merging. Tsaka aabutin tayo ng tanghali kapag sinama ko pa ang summon at craft. Eh may dadaluhan pa tayong ceremony, diba?"
Napakamot na lang ako sa aking ulo at bumuga ng hangin.
"Okay, ayaw ko ring magka information overload kaya panalo ka na." nagtunog talunan ang boses ko.
"May mas mataas pang level kaysa sa selective merging,
ito ay ang mythical merging. Kung saan pwede mong i merge sa 'yong katawan ang mga mythical creatures."
"Talaga ba Crochet? Sa tingin mo kaya ko kaya ang mythical merging?"
Tumango-tango naman siya.
"Alam mo bang tanging mga elites at royals lang ang nakakagamit ng mythical merging." pag amin ni Crochet."Edi ibig sabihin royal ako or di naman kaya ay elite? Well, sabagay kung totoo ko ngang nanay si Mader Sitaw na kabilang sa sampung pillars ng mga mangkukulam. Malamang elite nga talaga ako. Este 'tong katawang 'to." sabi ko naman.
"Malamang malakas nanay mo eh. Tsaka siguradong magagamit mo ang kakayahan na yan sa laban." sabi ni Crochet at biglang napahinto. Gumagalaw ang mga mapupula niyang tainga na para bang may nararamdaman ito sa hangin.
"May problema ba, Crochet?" dahil sa ikinilos niya ay pinatalas ko na rin ang aking pandama.
"Pansin ko lang na tila may nagmamanman sa atin. Ngunit agad ring naglaho." sabi niya.
Nabagabag ako sa sinabi ni Crochet. Kung di pa niya naramdaman hindi ko pa malalaman na mayron na palang nagmamatyag sa amin.
"Naramdaman mo ba ang awra nila? Isa ba itong espeya na mula sa palasyo?" bigla akong napa over think. Baka kasi pinagdududahan pala kami ng hari o wala siyang tiwala sa amin.
"Hindi, hindi ko maramdaman na nagmula sila sa palasyo. Mukhang galing sa iba." sabi ni Crochet na tumingin sa malinaw na karagatan.
Bigla ko ring naisip 'yong batang babae kahapon. May koneksyon kaya ito sa nangyayari ngayon?
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...