Defying Mader Sitaw
VALENA
Pinulot ko ang kalatas at kumurba ang aking labi.
"Gusto mo pala akong gumawa ng masama ha, pwes kabaligtaran ang gagawin ko sa mga nakalista dito." muli kong binasa ang mga nakalista sa kalatas.
Ang pangatlong nakasulat sa kalatas.
'Maghanap ng matandang dalaga at isumpa ito na magkakaasawa lamang siya kung siya ay lalangoy sa nagbabagang bulkan.'
"Grabe naman ang mission na yan." biglang sulpot ni Crochet. "Gagawin mo?" biglang bumaba ang tainga niya.
"Gagawin ko ang kabaligtaran." sabi ko at kinindatan siya. Nakita ko namang gumalaw galaw ang mga buntot niya.
"Makakakain na naman ulit ako!" naglalaway na siya dahil marahil ay takam na takam na siyang muling makakain ng kabutihan.
"Sa gagawin ko Crochet ihanda mo na ang sikmura mo d'yan at sigurado tataba ka." hinaplos ko ang kanyang ulo.
"Tara na!"sing bilis siya ng kidlat na tumalon paalis ng kama.
Nagtungo na nga kami sa bayan. Hindi naman nagtagal ay nakahanap na kami ng isang matandang dalaga.
Mag isa lang siyang naninirahan sa isang simpleng tahanan.
Sa kabila ng kanyang edad ay kakakitaan pa rin siya ng sigla at litaw pa rin ang angking kariktan.Sa nakikita ko mukhang hirap siya sa mga gawain lalo na sa mga gawain sa bukid. Kailangan niya talaga ng katuwang sa buhay.
Isa sa mga kapitbahay niya ay isang byudo na may magarang bahay. Masungit ito at mukhang ginigipit niya ang ginang.
"Magbayad ka na ng upa mo, Grazilda. Kung ayaw mong sa kalsada manirahan." bulyaw nito.
"Don Gustavo, pwede bang makahingi ng palugit? Gipit lang kasi ako ngayon. At ang mga pananim ko ay inatake ng mga Arkanus." nakalukot ang mukha nito.
"Aba'y problema mo na 'yon. Hala sige mag-impake ka na!" sabi nito na dinuro duro ang matandang dalaga.
Kaya sinumulan ko ng mag engkantasyon. Buti na lang may nabasa rin akong libro tungkol sa mga engkantasyon ng pagpapa ibig sa library.
Siguradong mahuhumaling sa ginang ang masungit na matandang ito.
"O hangin ika'y umiihip
at haplosin ang puso't isipSa ilalim nitong ulap
ang dalawang puso'y mag uusap.Hayaang kasungita'y maidlip
Nang sa labi ngiti ay sumilipO hangin aki'y pakiusap
Pagmamahal sa kanila'y ipalasap.Ang puso ng matandang bugnutin
iyong tuluyang baguhin,Nang ang ginang ay kanyang ibigin.
At habang buhay niyang mahalin." pagkabigkas ko ng engkantasyon ng pag-ibig. Biglang may mga kumukuti-kutitap na maliliit na magic dust na sumasayaw sa hangin.Umihip ang hangin papunta sa matanda. Tila naramdaman ng matandang byudo ang malamig na hangin na yumakap sa kanya.
Habang bagsak naman ang balikat ng ginang na aalis na sana.
"Grazilda! Aking sinta! Saan ka pupunta?" mabilis niyang hinawakan ang kamay nito nang patalikod na ito sa kanya.
"Hindi ba't pinapa impake mo ako ng gamit?" malungkot nitong wika.
"Oo, mag impake ka na ng gamit dahil gusto ko sa akin ka na tumira. Aalagaan kita at mamahalin aking sinta. Pagsisilbihan, luluhuran, pakakasalan at iibigin kita hanggat ako ay huminnga."
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...