Chapter 40

353 44 3
                                    

His Story

Valena

Kalat na ang dilim nang makarating kami sa tarangkahan ng palasyo.

Mukhang maayos naman ang lahat dahil wala namang nag-iba sa palasyo maliban na lamang sa mga pamumukadkad ng mga bulaklak sa bukana ng tarangkahan.

Habang nakadungaw sa bintana ay tumingala ako sa kalangitan. Mukhang gising na rin ang reynang buwan na siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Dahil walang mga ulap ay nakikita ko rin ang makikinang na mga bituwin.

Sa wakas ay nakababa na rin kami ng karwahe.

Inilipat namin sa isang mahiwagang kama ang prinsipe. Ang kamang tila may buhay dahil naglalakad ito na parang may apat na mga paa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang prinsipe at mataas pa rin ang lagnat.

"Naihanda na ba ang silid na para sa prinsipe, Beauty?" tanong ko kay Beauty habang papasok kami sa bulwagan ng palasyo.

"Nakahanda na Valena. Nalinis na ito ng mga tagapagsilbi." sagot nito.

"Magpahinga na kayong lahat at siguradong napagod kayo sa biyahe." sabi ko sa kanila.

Medyo natagalan ang biyahe namin dahil ang rota papunta sa Asdar ay sinadyang lagyan ng kung anu-anong harang at patibong.

Kaya upang makasigurong ligtas ang aming paglalakbay ay minabuti na lang naming dumaan sa ibang rota na dahilan kaya natagalan ang aming pagdating sa palasyo.

Humikab si Rena habang yumakap sa akin. "Magpahinga ka na rin po ate."

Hinaplos ko naman ang kanyang buhok.

"Sige na magpahinga na tayong lahat." sabi naman ni Pogi.

Nagkanya kanya na kami ng direksyon. Papunta naman ako, si Crochet at Beauty ngayon sa silid para sa prinsipe. Nasa likod lang kami sa mahiwagang kamang naglalakad sa unahan namin.

Di ko naman mapigilan ang aking sarili lalo na ang aking mga mata na hindi mamagnet sa natutulog na mukha ng prinsipe.

Hindi ako mapakali at mapalagay na isiping nasa panganib ang buhay ng prinsipe. Kahit anong pilit kong payo sa aking sarili na huwag masyadong mag-isip ng negatibo ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng matinding pag-aalala.

Dala lang siguro ng matinding konsensya kaya ako nagkakaganito.

"Ang gwapo pala ng prinsipe kapag tulog." sabi ni Crochet. Kanina pa pala siya nakamasid sa akin.

Tumikhim na lang ako.

"Gwapo rin naman siya kapag gising. Mali, napakagwapo niya kapag gising." sabi naman ni Beauty. "Di'ba Valena?"

Sa aking isip na lang ako napasagot ng 'oo'. Pero nanahimik lang ako at di na lamang sinagot si Beauty.

"Ang swerte talaga ng prinsesa na hinahanap niya ano? Pinagpala talaga kung sino man ang babaeng iyon." sabi ni Beauty na parang timang na niyakap ang sarili at nagkurting puso ang mga mata.

Di ko alam kung bakit bigla na lamang ako nainis sa kaingayan ni Beauty. Bigla na lang akong nakaramdam ng bad vibes.

"Ayos ka lang ba Valena?" tanong ni Crochet nang mapansin ang pananahimik ko.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon