Peace Treaty GalaVALENA
Bawat tunog ng musika ay sumasabay din sa pag indak ang aking damdamin.
At sa bawat ritmo ay tila sumasayaw rin ang aking puso.
Mala fairytale na sana itong nangyayari ngayon kung di ko lang alam na lahat ng ginagawa namin ay isa lang pagkukunwari.
Ginagamit lang ni prinsipe Zion ang pagsasayaw namin para makalapit kami sa aming target.
Unang nilapitan at nilagyan ng tracking device ng prinsipe ay si haring Farion na noon ay nakikipagsayaw rin sa kanyang reyna.
Hindi naman kami nahirapang idikit ang maliit na kasangkapang iyon sa laylayan ng suot nitong damit.
Wala ngang kamalay malay ang hari na nalagyan na siya ng tracking device habang abala siya sa pagnamnam sa musika.
"Galing mo pa lang sumayaw." malamig ang boses ng prinsipe.
Kahit para na talaga akong isang prinsesa na inisasayaw ng isang prinsipe sa gitna ng magarang bulwagan ay nangingibabaw naman ang pakiramdam na lahat ng ito ay parte lang ng isang misyon.
Di ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot.
Lungkot na ikinubli ko sa pamamagitan ng pagngiti.
Hindi ko gusto kung saan ang patutunguhan ng nararamdaman kong ito para sa isang prinsipeng alam kong hindi ako ang hanap.
Kung sana isa lang siyang ordinaryong prinsipe at hindi isinumpa may pag asa pa siguro.
Ngunit iba ang kanyang sitwasyon. At alam kong wala akong laban sa prinsesang nakatakda para sa kanya.
Kaya naman kung kanina pakiramdam ko siya ang aking tahanan.
Ngayon naman pakiramdam ko kailangan kong pwersahing lumayas sa tahanang iyon dahil alam kong hindi ako ang nakatakdang manirahan sa tahanan ito.
Isinuot ko na lamang ang isang pekeng ngiti at hinayaang gumalaw ang aking katawan na ayon sa aming misyon.
Sumunod na nilapitan namin ay si Haring Mitho ng Chlorosas.
Medyo mailap ito kaya nahirapan kaming kumuha ng tiyempo para makalapit sa kanya.
Buti na lamang at nawalan ito ng focus nang lapitan siya ng isa sa kanyang mga gwardiya.
Ito ang nagbukas ng pagkakataon upang malagyan namin siya ng tracking device.
Pagkatapos ng misyon ay kailangan ko ng bumalik sa realidad.
Pagkatapos ng musika at sayawan kailangan ko ng bitawan ang kamay ng prinsipe.
Kailangan ko ng humiwalay mula sa kanyang mga bisig.
Kailangan ko ng tigilan ang pagsulyap sa kanyang mapupungay na mga mata.
Balik na rin sa dati ang lahat.
Tahimik lang din ang prinsipe. Hindi ko alam ang iniisip niya pero baka nakahinga na rin siya ng maluwag ngayong natapos na ang aming misyon habang sumasayaw.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...