Chapter 17

493 56 0
                                    

Mader Sitaw's Gloomy Room

Valena

Matapos ang laban ay namahinga muna ako sa aking silid.

Lumilipad ang isip ko kung paano ko malalaman ang mga sekreto ni Mader Sitaw.

Gusto kong malaman ang kanyang pinakatatagong lihim.

Bigla ko na lamang naisip na pasukin ang kanyang silid dito sa palasyo.

Kung meron man siyang itinatago malamang may mga palatandaan akong mahahanap sa silid niya.

Tamang-tama dahil hindi pa ako nakakapasok sa kanyang silid.

Bukod sa nasa pinakamataas na tore ito nakalagay, ay off limits din ang bahagi ng palasyo kung saan 'yong kwarto niya.

Pero ano naman kung off limits, walang akong pake. Dahil niluluko rin naman niya ako. Kaya bawi-bawi na lang.

Wala ng respe-respeto sa privacy dahil sinungaling siya at manlilinlang.

Kinausap ko naman si Beauty para hingin ang susi sa silid nito.

"Ibigay mo na sa akin Beauty. May titingnan lang ako sa silid ng aking ina." sabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay para masindak siya sa akin.

"Hindi nga pwede kamahalan! Kabilin bilinan ng inyong ina na bawal kang pumasok dun. Kahit nga daga bawal ding umapak dun!" lumukot na ang mukha ni Beauty. May halong takot at pangamba ang mukha nito.

Di ko lang alam kung kanino siya natatakot. Kung sa akin o sa aking ina.

"Akin na ang susi. Ibibigay mo o ibibigay mo?!" pinanliitan ko siya ng mga mata. At ikinumpas ang aking mga kamay at nagsimulang may lumabas na magic circle sa palad ko.

Lalong nangulubot ang mukha niya. Mukha na siyang natatae dahil sa pagbusangot ng mukha niya.

Nagpadyak padyak pa siya sa sahig dahil nagmamatigas talaga siya. Wala talaga siyang balak ibigay ang susi.

"Huwag na po kayong makulet kamahalan. Pare-pareho tayong malilintikan neto eh. Kaya pakiusap awat na po." sabi nito na sumayad na ang dalawang tuhod sa sahig.

Mukhang handa siyang mamatay para lang protektahan ang walang kwentang susi sa silid ng aking ina.

Napabuntong hininga na lang ako. Ayaw kong tanggapin na talo ako pero parang ganun na nga.

Halos mawasak naman ang bibig ni Beauty sa sobrang saya nang malaman na sumusuko na ako at siya ang nagwagi.

Patalon talon pa siya habang papalabas sa aking silid. Bago tuluyang lumabas ay nagpa ikot ikot pa siya na parang isang balerina. Nag pakita pa ng tricks niya sa pamamagitan ng pag split sa ere.

May narinig akong mga buto na tumunog mula sa katawan ng gaga.
Paglapag niya ay napa hawak siya sa balakang at napangiwi ang mukha niya.

Di rin maayos ang lakad niya. Tsaka mukha siyang matanda na may arthritis at osteoporosis na naglakad palabas ng silid.

"Aguy! T*ng ina ang sakit... nawarak yata ang balakang ko. P*ste." bulong nito. Kulang na lang bumula ang bibig niya kaka mura.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon