Chapter 12

664 72 1
                                    

Vanirie

VALENA

Mala kristal ang tubig at kitang kita sa ilalim ang makukulay na mga bato na tila kumikinang pa dahil sa sikat ng araw. Naka pwesto kami sa ilalim ng malaking puno na may mga sanga na parang sinasakop ang kalangitan sa sobrang lapad at lawak ng nasakop nitong espasyo habang nagyayabongan naman ang mga kulay pink nitong mga dahon. Nakalatag ang aming picnic blanket sa ilalim mismo ng mahiwagang puno.

Sa dami ng nangyari sa akin sa mundong ito at sa dami ng natutunan kong mga bagay bagay tungkol sa bago kong mundo, naisip ko lang na haluan naman ito ng kaunting touch of earthly lifestyle and culture.

Earthly lifestyle pa nga! Hindi naman pwedeng ako lang ang ma impluwensyahan ng mga kultura nila kailangan ko ring magbahagi ng aking mga kinaugalian noong ako'y nabubuhay pa sa mundong ibabaw. Kung baga it's my own way of giving back. Char. Give and take yan, charooot. Sa totoo lang sa dami ng nangyayari pakiramdam ko deserve ko ring i reward ang sarili ko at pati na ang mga kasama ko.

"So ito pala ang picnic?! Ang saya pala at exciting!"magiliw at parang batang sabi ni Beauty.

"Oo nga ate! Kamahalan saan niyo po natutunan ang tungkol sa ganito?"kuryusong tanong ni Pretty.

Medyo natigilan ako sa tanong ni Pretty. Hindi agad ako nakasagot buti na lang parang may bombilyang umilaw sa aking isipan.

"Ako mismo ang naka imbento nito, Pretty! Idea ko'to. Ganun ako ka galing!"taas noo kong wika para naman maniwala sila. Actually nakakahiya man pero wala namang makakaalam na hiniram ko lang ang idea na ito mula sa lupa. Technically dahil hindi naman nila alam ang konsepto ng picnic sa mundong ito ay pwede ko naman talagang angkinin at sabihing ako ang naka imbento nito since ako naman ang nag introduce nito sa kanila.

"Kamahalan ang talino niyo talaga. How I wish maging sing taba ng utak niyo ang utak ko."sabi naman ni Pretty na sabik na inilabas ang mga pagkain mula sa basket na aming dala.

"Maiba naman tayo. Kita niyo ba ang mga asungot na iyon?!"sabi ni Beauty at inginuso ang isang puno sa malapit kung saan kita ang dalawang nakausling ulo nina Pogi at Gwapo.

Sinadya ko talagang hindi sila pasamahin dahil ayukong marinig ang away nilang apat. Para na kasing asot pusa ang apat na ito. Daig ko pa ang nag alaga ng mga pets na makukulit. Pero dahil andito na ang dalawa ay wala na akong choice kundi ang tawagin sila. Pero wala pa rin akong tiwala sa dalawa na yan.

Ang akala ko ay ang dalawa lang ang sumunod sa amin, pati rin pala ang asungot na si Zion. Nagtatago pa ito sa sanga ng puno e kita naman ang damit niya.

Gusto ko lang mag enjoy at subukang mamuhay ng normal sa mundong ito. Iwas muna ako sa paggamit ng mahika at mga sumpa sumpa simula nung nalaman kong mali naman ang sinabi sa akin ni Mader Sitaw. Ang sabi niya papangit ako kapag gagawa ako ng kabutihan ngunit ilang beses na akong nakagawa ng kabutihan wala namang nangyari. Hindi ko tuloy maiwasang magkaroon ng agam agam at pagdududa sa totoo niyang layunin. At bakit kaya siya nagsinungaling?

Pero sa ngayon mag e enjoy na lang muna ako.

Nasa ganun akong pag iisip nang makita ko na naghahabulan na si Beauty at Pogi sa may tubigan. Ang lawak ng ngiti ni Beauty habang hinahabol siya nung lalaki. Tingin ko talaga ay may in love dito e.

Samantalang si Pretty naman at Gwapo ay parang mga batang nagwiwisikan ng tubig. Pansin ko na parang kaunti na lang bibigay na si Pretty. Ayuko namang isuko niya ang kanyang bataan tapos sa huli ay iiyak lang siya.

Mukha yatang nauhaw si Pretty dahil kumuha ito ng maiinom at iniwan muna ang binata.

"Kamahalan tara ligo tayo. Ang presko ng tubig! Ang sarap mag tampisaw!" alok nito sa akin na humuhuni pa na parang ibon.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon