Chapter 24

311 43 2
                                    


The Untold Truth

VALENA

Itinago ko ang larawan sa loob ng aking damit. Pumanik na ulit ako sa taas nang maalala ko na naiwanan ko ang aking mga niluluto. Sing bilis ako ng cheetah na tumakbo paakyat.

Hingal na hingal akong bumalik ng kusina. Pakiramdam ko mauubusan ako ng oxygen sa katawan. Mabilis na humigop at bumuga ng hangin ang aking mga baga. Nagmukhang sinkhole naman ang butas ng aking ilong kaka inhale, at exhale. Tila sumisipa naman ang aking puso at walang humpay sa pagkabog.

Pumasok naman ng kusina si Beauty. Nagliwanag ang mukha nito nang makita niya ako.

"Andito ka lang pala kamahalan. Anong ginagawa mo dito sa kusina?" kumuha siya ng isang piraso ng tinapay at nagtimpla ng kape. Isinawsaw niya sa mainit na kape ang tinapay at saka ito sinunggaban na parang gutom na buwaya.

"Nagluluto ako alangan namang natutulog. Charooot." pinagpatuloy ko na ang pagluluto sa adobong manok.

Para namang namagnet ang ilong ni Beauty sa kawa. "Ano yan? Bakit ang bango? Hmmm... Mukhang masarap!" para siyang asong naakit sa isang pirasong buto. Namamasa ang kanyang mga labi.

"Tinatawag ko itong, adobo. Masarap talaga ito! Specialty ko 'to eh." patuloy lang ako sa paghalo halo ng mga sangkap sa kawa.

Kumunot ang kanyang noo at nanliit ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. Para siyang detective na pilit na naghahanap ng piraso ng ebidensya.

"At saan ka naman natutong magluto? Ni minsan di ka pa nga nakatungtong dito sa kusina." nilagay niya ang kanyang kamay sa bewang.

"Nitong mga nakaraang araw lang." Sabi ko na kumuha ng sabaw ng adobo gamit ang sandok at saka ko isinubo sa kanyang bibig. "Medyo na bored kasi ako kaya naisipan kong magluto." palusot ko sa kanya.

Namilog naman ang kanyang mga mata nang sipsipin niya ang laman ng sandok. Pigil ang kanyang hininga habang kinikilatis ng kanyang dila ang bisita ng kanyang bibig.

"Ang sarap! Wala pong halong biro kamahalan ang sarap, sobra." agad siyang kumuha ng plato at naglagay ng maraming kanin.

"Di'ba sabi ko naman sa'yo marunong akong magluto."

"Nakakapagtaka lang kasi wala ka namang kahilig hilig sa mga ganitong bagay dati e." sabi nito na parang giraffe na pilit dumudungaw sa kawa.

"Wag ka ng magtaka. Alam mo, people change. Minsan magugulat ka na lang na ang mga di mo gustong gawin noon ay minamahal mo na ngayon." sabi ko naman na binudburan ng secret ingredient ang aking niluluto.

"Oo na. Bilisan mo na diyan kamahalan para makakain na ako." nakataas ang nguso nito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So inuutusan mo ako, Beauty?"

Mabilis naman siyang umayos ng tayo. "Patawad po kamahalan. Naging mapangahas ako." Para siyang tupa.

Kumurba naman ang aking mga labi. " Char lang, ikaw naman."

Napakamot naman siya sa ulo.
"Matagal pa ba yan kamahalan?"

"Ay excited much?"

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon