Chapter 23

379 48 8
                                    


The Tormenting Truth

Third Person's POV

Sa wakas ay tagumpay na natunton ni Beauty at Pretty ang kinaroonan ng pangahas na magkapatid.

Isang maliit na kubo na nakatayo malapit sa gubat at ilang metro lang ang layo mula sa bayan. Nag kubli ang dalawa sa sanga ng puno. Parang mga mababangis na hayop na naghihintay ng tamang tiempo para sagpangin ang kanilang biktima. Kitang kita ang nagliliyab nilang mga mata.

Parang mga sanggol na walang kamuwang muwang ang magkapatid na binata sa mga matang matalim na nagmamasid sa kanila.

"Bakit ang tagal niya kuya? Kanina pa tayo dito." nabuburyong na wika ni Gwapo.

"Kaunting pasensya pa bro, darating din yun." kampante lamang nahiga sa isang duyan si Pogi.

"Tsk... Nilulumot na tayo kakahintay dito." mula sa pagkakasandal sa kahoy na dingding ay nagpalakad lakad siya sa maliit na espasyo ng silid.

"Bro, imbes na magreklamo ka diyan ay magbantay ka na lang sa labas." napakamot sa tainga si Pogi.

Wala sa isip namang sumunod si Gwapo sa utos ng kapatid. Gusto niya ring lumanghap ng sariwang hangin kaya hindi na siya umangal pa.

Pumwesto siya sa masukal na bakuran ng kubo. Matataas na damu at ligaw na halaman ang tumutubo rito. Halos nakikipagkamayan na ang mga damu sa kanyang hita sa sobrang yabong ng mga ito.

Kumuha ng sigarilyo si Gwapo mula sa bulsa ng luma niyang pantalon. Sabik na tinanggap ng kanyang bibig ang hawak na stick ng sigarilyo. Kinapa kapa niya ang bulsa sa likuran ng kanyang pantalon ngunit bigo siyang makahanap ng lighter. Napakamot na lang siya ng batok at saka tumalikod at naglakad papasok ng kubo. Walang kaalam alam sa dalawang tigreng handa na siyang sakmalin.

Ilang hakbang ang nagagawa niya ng parang kabute na sumulpot sa kanyang likuran si Beauty at Pretty. May mga bola ng mahika ang mga palad ng mga ito.

Hindi na nagawang kumilos o manlaban ni Gwapo dahil sa nakatutok na sa kanyang leeg ang dalawang kamaong may mga bola ng mahika. Itim na apoy ang nasa kamao ni Beauty samantalang kidlat naman ang nasa kamay ni Pretty. Itinutok nila ito na parang snatcher na tinutukan ng patalim ang kanilang biktima. Hindi na nagawang gumalaw ni Gwapo dahil alam niyang isang maling hakbang lang niya ay sasabog ang ulo niya. Kita niya sa mga mata nito ang intensyong pumatay.

Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere na animoy kriminal na nahuli ng mga pulis. Hindi na siya nagtangkang gumawa ng anumang kilos bilang tanda ng pagsuko at kawalan ng intensyong lumaban.

"Isang maling hakbang at sasabog yang utak mo!" kalmadong wika ni Beauty.

Gamit ang binding magic ay iginapos ni Pretty ang mga kamay ng lalaki sa kanyang likuran. "Lakad!" itinulak niya papasok sa kubo ang lalaki.

Kagaya ni Gwapo wala na ring oras para mag react si Pogi dahil nakaidlip ito sa duyan. Napamulat na lang siya ng mga mata nang may maramdamang matulis na bagay na dumikit sa kanyang leeg.

"Gumalaw ka at itatarak ko ang punyal na ito sa iyong leeg." nagpipigil sa galit si Beauty.

"Easy..." ang tanging nasambit ni Pogi nang maramdaman ang madiin na pagtutok nito ng punyal sa kanyang leeg. Ramdam niyang napunit ang balat kung saan nakatuon ang punyal. Bahagyang umagos pababa sa kanyang leeg ang kaunting dugo.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon