The beastThird Person's POV
"Huwag!!!" sigaw ni Pretty nang masulyapan niyang itatarak na nito ang punyal sa dibdib ng kanyang kapatid.
Isinara na lamang niya ang kanyang mga mata habang nanginginig sa takot. Isang pulgada na lamang ang pagitan ng punyal sa dibdib ng dalaga nang may tumama sa punyal na isang pana. Dahilan upang mabitawan ng lalaki ang hawak na punyal saka ito nagpaikot ikot sa ere saka bumagsak sa sahig.
"Sino kang pangahas ka?!" halos mapigtas ang mga ugat nito sa kanyang leeg.
Nang mapadako ang kanyang tingin sa pintuan dalawang pigura ng lalaki ang kanyang nakita. Nakita niya ang dalawa na may dalang kanya kanyang sandata. Ang isa ay may hawak na pana at ang isa naman ay may dalang baril.
Hawak ni Pogi ang pana. Pinagbabaril naman ni Gwapo ang mga kawal na nasa loob ng silid. Hindi na nakapanlaban ang mga ito at agad na pinatumba ng bala. Parang mga palay ang mga ito na isa isang pinadapa ng malakas na hangin.
Tanging si Colvin na lamang ang natirang nakatayo."Paano ba yan mukhang mag isa ka na lang ngayon!" labas ang pantay na ngipin ni Pogi.
"Sumuko ka na hangal!" sabi naman ni Gwapo na animoy may hawak na megaphone na dumagundong ang boses.
Lalo pang umalsa ang mga ugat sa noo ng lalaki. "Mga pangahas na surot!" tila nabalot ng dilim ang mga mata nito.
Sa isang kisapmata ay nasa harapan na siya ng dalawa. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Gwapo. Madali niyang naagaw ang hawak nitong baril na para lang nang agaw ng candy sa isang paslit. Hindi naman agad naka porma si Gwapo sa bilis ng pangyayari. Tila nalito siya kung paano walang kahirap hirap nitong naagaw ang hawak niyang baril.
Itinutok ng lalaki sa sikmura ni Gwapo ang hawak na baril. Walang habas niyang pinaputok sa katawan nito ang baril na hawak. Parang katawan ng saging na nagkalasug lasog ang pobreng katawan ng binata dahil sa pagratrat nito sa kanya.
Tumalsik sa pintuan ang mga bala na may kasamang laman at dugo ng binata.
Sa sobrang bilis ng pangyayari at kasabay ng gulat ay hindi na nakagalaw sa kanyang pwesto si Pogi.
Animo'y tinakasan siya ng ulirat nang makitang parang plywood na nagkabutas butas ang katawan ng mahal niyang kapatid.
Pagkatapos ay parang papel na bumagsak sa sahig ang katawan ni Gwapo.
Lumipat naman sa pwesto ni Pogi si Colvin. Inagaw niya ang hawak na pana nito. Binali niya ito at sabay na itinarak sa magkabilang braso ang nabaling pana.
"Urgh!!!" nag echo sa buong silid ang ungol no Pogi.
Ngunit ang mga ungol na iyon ay hindi para sa kanyang mga braso na nasaksak ng pana kundi iyon ay para sa pag aalala niya sa kanyang kapatid.
Hindi niya ininda ang tinamong sugat dahil sa mga oras na iyon tanging ang kapatid niya ang kanyang inaalala.
Hinawakan ni Colvin ang ulo ni Pogi. Kita sa mga mata niya ang intensyong ihiwalay ang ulo nito sa kanyang katawan. Kita ang paggamit niya ng pwersa at lakas dahil sa mga ugat nito na nagmarka sa kanyang mga maskuladong braso. Handa na siyang i twist ang ulo ng binata.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasiAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...