Protona Land of the Tiasa RaceCROCHET
"Nakapag summon ka ng isang...
DIVINE BEAST!!!
Yang hawak mo ay walang iba kundi si Raika ang Queen of all Seas!!!" halos mawasak ang ngala ngala ng datu dahil sa gulat.
"Divine Beast?! Si Raika isang divine beast?!" sabay naming sabi ni Valena.
"Isa lang ang ibig sabihin nito ikaw ay isang divine summoner. Isa ka sa pinagpala ng kalikasan. Kahanga hanga ka ngang talaga." buong pagkamanghang sabi ni Datu Araw.
"Ay salamat po. Masyado niyo na po yata akong pinupuri." napakamot na lang ng ulo si Valena.
"Si Raika ay may tatlong anyo. Ang dalawa niyang anyo ay higit na nakakasindak at napakalakas." sabi pa ni Datu Adlaw.
"Wow! Totoo ba yun Raika?" nagningning ang mga mata ng dalaga.
"Tama!" sabi ni Raika na may malamig na boses na kay sarap pakinggan.
Pagkatapos ay bumalik na rin sa ibang mundo si Raika. Ilang oras lang kasi ang kayang itagal ng mga summon sa mundong ito.
Kaya kailangan tawagin lang sila sa oras ng pangangailangan.
Ngayon pa lang ay na miss ko na agad si Raika. Ang cute niya kasi at ang sarap yakapin.
Pero mas cute pa rin ako. Wala ng mas cute sa akin.
+++++++
Valena
Bago pa man kami makalabas ng kweba merong hiniling sa akin ang datu."Sapat na ang aking nasaksihan upang masabi ko kung gaano ka kalakas. Maaari ko bang mahiram ang iyong lakas sa gagawin naming pagsalakay sa Protona? Pakiusap tulungan mo kami laban sa mga mapaniil na mga Tiasa." sabi ng Datu.
Nagulat pa ako dahil nagawa pa niyang lumuhod sa aking harapan.
Agad ko naman siyang pinatayo. Ayokong niluluhuran ng isang pinuno ng tribu.
Mas lalong ayokong may matandang nakaluhod sa harap ko. Ayaw kong magmukhang walang galang.
Tsaka isa yong insulto para sa kagaya niyang may mataas na katungkulan na magpakababa sa isang taga labas.
Hindi ko man gusto ng karahasan ngunit alam kong kakailanganin ko rin ang tulong ng tribu.
Hindi rin naman namin kakayanin ang kalabanin ang isang buong kaharian.
Tsaka mas malaki ang tsansang mailigtas namin si Rena kapag marami kaming sumalakay sa kaharian.
"Pumapayag na ako. Bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa pagliligtas niyo sa amin."
"Maraming salamat Valena. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob." nagliwanag ang kulubot na mukha ng Datu dahil sa sinabi ko.
+++++++
Dahil sa nabuong alyansa sa pagitan ng aming grupo at sa tribu ay nagkaroon kami ng pagpupulong tungkol sa gaganaping paglusob.
Ibinahagi nila sa amin ang plano nilang pakikipaglaban sa mga Tiasa upang mapalaya ang mga ka tribu nila na naging mga alipin.
Matagal na nilang napagplanohan ang gagawing pag lusob kaya naman nasa ayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...