The ConclaveVALENA
Nakahanda na ang lahat ng gamit namin. Daig pa namin ang maglilipat bahay sa dami ng aming dalang gamit.
Nang makita ko ang karwaheng aming sasakyan hindi ko mapigilang mapailing.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Kumunot ang aking noo. Iisang karwahe lang kasi ang aking nakikita. Bukod pa dun ay napaka pangkaraniwan lang ng laki nito.
Oo nga't elegante at talaga namang masasabi kong fit for the royals ang karwahe. Ngunit kung kaming lahat ang magsisiksikan sa loob mawawalan rin ng saysay ang pagiging elegante at mamahalin nitong tingnan.
"Sigurado ka bang magkakasya tayong lahat d'yan Beauty?" napapailing na lamang ako habang iniisip kung paano kami magiging parang mga sardinas sa loob.
"Seryoso ka ba sa tanong mong yan, Valena?" nagpalingo lingo na lamang siya. "Malamang it's a deluxe edition ng mahiwagang karwahe."
Tila may bombilyang umilaw sa aking utak. Mahiwaga, ayun mukhang nataohan na ako sa sinabi ni Beauty.
Isa-isa na silang pumanik sa loob ng karwahe.
Gawa sa ginto ang hawakan ng pintuan nito pati na ang mga naka desenyong dragon sa katawan ng karwahe ay yari rin sa ginto . Habang may mga mamahaling bato naman ang nakapalamuti sa bawat sulok nito.
Nakakatuwa kasi kahugis ito ng kalabasa. Ang mga gulong naman ay kumikinang dahil yari din sa ginto.
Pumanik na rin ako sa loob matapos kong busugin ang aking mga mata sa kagandahan nito.
Hindi ko maiwasang ibagsak sa sahig ang aking panga sa sobrang pagkamangha.
Siniguro ko pang muling dumungaw sa labas para masigurong sa karwahe nga ako pumasok at hindi sa palasyo.
Oo nga't maliit lamang ang sukat nito kapag tiningnan sa labas. Ngunit ngayong nasa loob na ako. Inakala kong nasa palasyo ako sa sobrang lawak at laki ng espasyo dito sa loob.
Isang malaki at eleganteng sala ang sumalubong sa akin. Lahat ng upuan ay balut ng mamahaling leather. Lahat ng gamit na nasa loob ay kungdi gawa sa ginto ay gawa naman sa mamahaling mga materyales.
Napaangat ang aking leeg habang nakatingin sa mataas na dome kung saan may nakapalamuti swarovski crystal chandellier.
At sa pinakagitna ay ang glass dome kung saan matatanaw ang bughaw na kalangitan.
"Nasa karwahe ba talaga ako o nasa lobby ng isang five star hotel?" halos pasigaw kong tanong sa aking isip.
Muli akong napadungaw sa may bintana ng karwahe. Nakita ko ang pagsulpot ng mga kulay itim na kabayo na animo'y iniluwa ng hangin. Nang bilangin ko ito ay walo silang lahat. Malalapad at bilugan ang malalaki nitong mga katawan.
Pumwesto ang mga ito sa unahan ng karwahe. Mula sa likod ng mga kabayo ay unti unting nabuo ang mga gintong lubid na kumoknekta sa karwahe.
Nagsimula na silang tumakbo kaya naramdaman ko ang pag usad ng karwahe.
Sa kabila ng aking pagkamangha ay pinilit ko pa ring maging kalmado para hindi nila ako mahalata.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...