Chapter 44

213 18 6
                                    


Karkarao's Tribe

VALENA

Gumuho ang aking mundo sa aking nadatnan. Ang aking mga kaibigan ay hinang hina habang nakasabit sa mga malalagkit na sapot.

Nakabitin patiwarik si Beauty habang hirap na hirap sa paghinga.

Mabilis kong tinakpan ang aking ilong nang mapansin ko ang kakaibang usok upang hindi ko malanghap ang kung ano mang gas na nasa paligid.

Malamang may kakayahan ang gas na ito na paralisahin ang sinomang makalanghap nito kaya ganun na lamang ang panghihina ng aking mga kaibigan.

Parang may mga tambul na tumutunog sa aking dibdib dahil sa kabang aking nararamdaman sa pagkakataong ito.

Una kong nilapitan ang dalawang bata na sina Loh at Kai. Halos magkadikit lamang sila kaya sinabay ko na silang tanggalan ng nakapulupot na sapot gamit ang aking mahika.

"Kai! Loh! Magpakatatag kayo andito na ako. Sino ang may gawa sa inyo nito?" agad ko silang binalot ng barrier upang hindi na nila malanghap ang mapaminsalang usok.

"A-ate si Re-rena tu-tulungan niyo po siya." hirap na hirap si Kai sa pagsasalita.

Agad kong iginala ang aking mga mata sa paligid at hindi ko nga nakita si Rena. Mas lalong tumindi ang kabog ng aking dibdib nang malamang nawawala si Rena.

"Ti-tinangay po siya ng mga Tiasa." sabi ni Loh bago pa man ako makapagtanong sa kanila tungkol kay Rena.

"Ano?! Mga hayop na yun! Humanda sila sa akin!" hindi ko mapigilang ilabas ang aking galit dahil sa aking narinig.

Agad din naman akong kumalma dahil kailangan ko munang siguraduhing na ilayo sa kapahamakan ang aking mga kaibigan.

Gamit ang aking mahika inalis ko muna ang gas na nagkalat sa paligid. Pagkatapos ay gumamit naman ako ng mahika upang tanggalin ang mga sapot na nakabalot sa kanilang katawan.

"Way of the archangel, heaven's blessing!" pagkasabi ko ng spell chant ay agad na nagliwanag ang aking mga kamay. Naglabas ito ng nakakapagpagaling na liwanag na ang sinomang mahawakan ko ay manunumbalik ang sigla at lakas.

Isa isa ko silang pinagaling gamit ang aking mahika.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang masiguro kong nasa mabuti na silang kalagayan.

"Si Rena kailangang mabawi ko siya mula sa mga pangahas na nilalang na iyon." sabi ko sa aking sarili.

+++++++

Dahil tuluyan ng nakabawi ng lakas ang aking mga kasama ay tinipon ko na sila upang maghanda na kami sa gagawin naming pag rescue kay Rena mula sa mga kamay ng mga Tiasa.

"Isa sa ating kasamahan ay binihag ng mga masasamang loob. Isang bagay na hinding hindi ko mapapalagpas. Nandito tayo ngayon upang isagawa ang pagbawi sa isa sa ating importanteng miyembro ng ating pamilya." sabi ko habang nakaharap sa kanilang lahat. Kita ko ang determinasyon at kagustuhan ng lahat na iligtas si Rena.

"Ako mismo ang dudurog sa mga pangahas na iyon. Dila lang nila ang walang latay!" sabi ni Gwapo na napasuntok pa sa pader dahil sa labis na emosyon.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon