Mission Number 2
VALENA
Nanaginip ako. Nakaharap sa isang malaking salamin. Kung saan nandoon si Mader Sitaw sa tabi ko. Pinakita niya sa akin ang maaring mangyari sa akin. Nakita ko kung paano unti unting nawasak ang maganda kung balat at mukha. Sumunod na nangyari ay ang pagkulubot ng aking balat. At ang nagpayanig sa aking kalamnan ay nang makita ko ang pagkasira ng aking anyo.
Pawis na pawis ang buo kong katawan nang magising ako mula sa bangungot.
Napaupo ako sa aking kama.
Napayakap sa aking mga tuhod at hindi ko man aminin pero takot na takot ako sa ideya na maaaring mawala ang taglay na ganda ng pisikal kong anyo.Litong lito ang isip at pati ang puso ko. Para akong nasa gitna ng isang mataas na bangin at nagbabagang apoy. At kahit anong side ang tahakin ko kapahamakan lamang ang naghihintay sa akin.
Itago ko man ang aking pagkataranta ay halata pa rin ang pagkabalisa ng buo kong pagkatao.
Ayukong matulad kay Mader Sitaw. Gusto kong panatilihin ang aking mala dyosang anyo. Kaya kahit mapilitan man akong gumawa ng masama ay kakayanin ko. Gagawin ko na ang mga nakasulat sa kalatas. Kahit pa ang ibig sabihin nun ay makakasakit ako ng ibang tao.
People will have to suffer just for me to remain flawlessly beautiful. Ganun talaga, lahat ng bagay may kapalit, may kailangang magdusa. Malas lang nila at ang kabayaran sa pagpapanatili ng aking taglay na kagandahan ay ang kanilang pagdurusa.
Sarili ko muna ang uunahin ko.
Ganun kalalim ang paglalakbay ng aking isipan nang biglang pumasok si Beauty sa silid.
"Kamahalan may nahanap na po kaming posibleng target. Isang matanda na nakatira sa isang maliit at sira sirang bahay."kita ang pananabik sa kanyang mga mata habang siya ay nagsasalita.
Tumango lamang ako sa kanya at mabilis na bumalik sa aking pag iisip ng malalim. Tinitimbang ang aking gagawin.
Para sa mission number 2. Humanap ng matanda at isumpa ito na maging lumpo at mawawala lamang ang sumpa kapag tumalon siya sa bangin. Isang mataas na bangin.
Malas niya lang dahil siguradong mas lalo siyang maghihirap pagkatapos ko siyang maisumpa.
Hindi na ba ako nakokonsensya?! Nabalot na kaya ng kadiliman ang aking budhi? Sa tingin ko naman meron pa akong natitirang konsensya ngunit mas matimbang sa akin ang mapanatili ang aking anyo. Pasensyahan na lamang dahil mas pinipili ko ang aking sarili.
"Tama ba itong narinig ko? Mambibiktima ka na naman?!"galit na salubong sa akin ni Zion. Sobrang laki ng pagtutol niya sa aking gagawin.
"Trabaho lang walang personalan."sagot ko naman. Hindi ko hahayaang guluhin niya ang utak ko.
Tumawa siya ng pilit. "Oo nga naman. Paano nga ba naman matutotong magkaroon ng simpatya at empathy ang isang kagaya mo sa mga ordinaryong tao. Wala ka naman palang puso in the first place."
Medyo parang may sipa ang sinabi niya ah. Di ko man maamin pero tila nakaramdam ako ng kirot.
"Sabihin mo na ang lahat. Matuyuan ka man ng laway. Hindi mo na mababago ang desisyon ko." Pero bakit parang nagpo protesta ang aking puso. Bakit tila kumakampi ito sa prinsipe. Tumigil ka dyan heart wag na wag mo akong i betray.
"Hindi ako mapapagod na ipamukha sa'yo na hindi ka makakahanap ng tunay na kaligayahan sa pamamagitan ng pagpapahirap sa iba."makahulugan niyang wika.
Medyo natigilan na talaga ako sa mga sinasabi niya. Nag uumpisa ng mag welga ang aking puso. Tila may dalawang pwersa na naglalaban sa loob ng aking utak.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...