Chapter 6

1K 76 2
                                    

Trial and Error

VALENA

Kahit alam ko na kung paano gumamit ng magic ay pakiramdam ko marami pa akong dapat na matutunan. Hindi ko rin magagamit lahat ng aking na absorb mula sa mga libro sa library dahil level one pa lang ang aking mahika.

Sana magparamdam na ulit si Crochet kasi mas lalo lang nadagdagan ang aking mga katanungan.

Wala naman akong mahanap na libro na naglalaman ng kasagutan sa aking mga tanong.

"Hinahanap mo ba ako?"biglang sulpot ng boses ni Crochet.

"Mabuti naman at nagbalik ka. Siguro mahina ang wifi mo no kaya di ka maka connect sa akin palagi."biro ko.

"Hindi kita maintindihan pero mahina pa kasi ang aking kapangyarihan." Paliwanag niya.

"Ay lampa lampahan ang peg! Pero seryoso, bakit ka naman nanghihina?"interesado kong tanong.

"Nakasalalay sa'yo ang kapalaran ko. Nasa iyong mga desisyon kung ako ay lalakas o hihina."sabi niya.

Naguluhan ako sa kanyang mga sinabi. So parang kasalanan ko pa? Ako pa ang masisisi kung sakaling hindi siya gumaling.

"Bakit ako?"hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"Oh diba may itatanong ka, bilisan mo na at limitado lang ang oras ko." Sabi niya na mabilis na binago ang topic na parang nagpalit lang ng pahina ng libro.

Ay hectic ang schedule niya, shems.

"May alam ka ba sa types ng magic?"diretsahan kong tanong.

"Maraming uri ang magic pero pwede mo silang ihanay sa dalawang pangkat lamang.

Good magic at Black magic. Parang liwanag at dilim. O, yin at yang.

Ang good magic ay ang mga mahikang ginagamit para tumulong sa mga tao o hayop o kalikasan. Halimbawa nito ay ang mga healing spells, elemental magic, at lahat ng magic na ginagamit sa mabuti."

"Ah ganun pala yun?! Wow!" Komento ko kahit medyo di ko gets gusto ko lang magpabida kay Crochet.

"Ang black magic naman ay ang mga mahikang nakakapaminsala. Gaya ng sumpa, forbidden spell, destructive magic at marami pang iba.

Subalit may mga pagkakataon na ang mga good magic ay nagagamit sa paggawa ng masama at ang mga black magic ay nagagamit sa paggawa ng mabuti.

At the end of the day nasa may hawak ng mahika ang desisyon kung ang kapangyarihan niya ay gagamitin niya sa mabuti o masama regardless kung good magic man yan o black magic.

Sa huli ang importante ay ang nilalaman ng iyong puso." Mahabang paliwanag ni Crochet.

Medyo may idea na ako sa kanyang mga sinasabi.

"E paano naman 'yung level ng magic? Paano ko maipapataas ang antas ng aking mahika?" interesado akong nakikinig sa sagot niya.

"Malalaman mo rin sa darating na hinaharap. Sa ngayon isipin mo muna kong paano mo madaling matutunan ang basic magic. Huwag mong biglain ang sarili mo." sabi naman niya.

Sabagay tama si Crochet. Hindi ko dapat pinipwersa ang sarili ko. Lahat ng bagay ay nangangailangan ng oras at effort.

"Buti naman at nagparamdam ka na ulit." sabi ko sa kanya. Pahinga muna ako sa usapang magic.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon