The RulesVALENA
Tuluyan na ngang gumaling ang dalawang bata at ngayon nga ay sing sigla na naman sila ng sikat ng araw.
"Salamat kamahalan dahil sa inyo gumaling kami ni Kai." sabi ni Loh at ibinigay ang hawak niyang bugkos ng rosas sa akin.
"Taos puso po akong nagpapasalamat kamahalan." sabi ni Kai na may luhod-luhod pa at iniabot ang basket na may lamang sari-saring prutas.
"Walang anuman." nginitian ko sila. "Tsaka wag niyo ring kalimutang magpasalamat sa mga kuya at ate niyo dahil tumulong din sila sa paghahanap ng lunas." ginulo ko ang mga buhok nila na ikinahagikhik naman ng mga ito.
Tumakbo naman ang mga ito patungo kina Beauty at Pretty. May ibinigay rin silang mga bulaklak at prutas sa dalawa.
Pansin ko naman na parang peke lang ang ngiti ng dalawa para sa mga bata.
Mukhang ilang ang mga ito sa mga bata.
Binaliwala ko na lang ang aking nasaksihan baka mali lang ako ng inaakala.
+++++++
Kinabukasan.
Ngayong nakakagamit na ako ng level two magic mas nagiging malawak na ang saklaw ng aking kakayahan. Nagagawa ko ng gumamit ng higit na mas malakas at mapaminsalang mahika. Pero di ako sure. Basta yun ang sabi ni Crochet.Kinailangan kong sanayin ang aking sarili upang mas lubos kong magamit ang bagong antas ng mahika. Oo nga't sanay na ang katawang ito sa mahika ngunit hindi ang kaluluwang nasa loob ng katawan nito. Dahil nagsilbing vessel ang katawan na ito para sa aking kaluluwa kaya ayon doble kayod ako para makasabay man lang ang aking diwa sa larangan ng pag harness ng mahika.
Marami na akong natutunan pero alam kong mas marami pa akong hindi alam. Kaya naman binibigyang halaga ko ang pagsasanay at pagpapakadalubhasa sa mahika.
Bakit ko ito ginagawa? Dahil ito lang ang nakikita kong paraan na magagamit ko upang makabalik ako sa mundong aking pinanggalingan.
Nakakatawa nga eh kasi dati may issue ako sa mga mangkukulam pero ngayon parang unti unti ko ng niyayakap ang pagiging isa sa kanila. Pero hindi ibig sabihin ay tuluyan ko na ring niyakap ang pamamaraan ng paggamit nila ng mahika. Dahil gagawin ko ang lahat para salungatin ang nakagawiang pagsumpa sa mga kaawa awang mga nilalang sa mundong ito. Bagkus gagamitin ko ang katawang ito upang tulungan silang makalaya mula sa mga sumpang nagpapahirap sa kanila.
Pakiramdam ko wala ng makakahadlang sa aking binabalak lalo pa ngayong napatunayan ko na, na mali ang sinabi ni Mader Sitaw sa akin tungkol sa epekto ng paggamit ng good magic. Klaro na sa akin ngayon na hindi ko ikakapahamak ang paggamit ng mabuting magic.
Pero gayun pa man marami pa akong dapat isagawang pananaliksik at ekspiremento dahil hindi ko pa lubusang nauunawan ang tunay na rule ng paggamit ko sa aking kapangyarihan. That leads me to my third expirement.
"Gumamit ng black magic at pagkatapos ay laktawan ng isang araw na hindi gumagamit ng anomang mahika. Yan ang expirement number three." sabi ni Crochet habang binabasa ang papel kung saan ko isinulat ang aking mga pagsasaliksik.
"Paano kung ganun pa rin ang magiging resulta? Natatakot ako na baka hindi na natin matuklasan ang inililihim ni Mader Sitaw tungkol sa epekto ng paggamit ko ng mahika sa aking katawan." may halong pangamba ang aking tinuran. Daig ko pa ang isang mangingisda na naabutan ng bagyo sa gitna ng laot sa mga sandaling ito.
Isang mainit na yakap ang nagpagising sa'kin mula sa pag iisip ng negatibong bagay. Sobrang lambot talaga ni Crochet na parang bulak kaya nakakagaan sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...