Chapter 51

149 14 2
                                    


Events That Shakes Faraway Land

Valena

Mabilis na gumulong ang mga araw. At labing limang araw bago maganap ang peace treaty game isa na namang sulat mula sa Conclave ang aming natanggap.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lamang ito pangkaraniwang sulat.

Isa itong liham ng pormal na paanyaya sa lahat ng mga nais lumahok sa patimpalak.

Kasama ng laman ng sulat ay ang golden key.

Ang golden key ang patunay na isa kami sa may awtomatikong slot sa nasabing patimpalak.

Hindi na kataka takang makatanggap kami nito dahil sa pinamumunuan ko nga ang Asdar.

At nangangahulugan lamang iyon na mas malaki ang tsansang maging target rin kami ng mga taong pumapaslang sa mga maharlika at mga elites.

Pigil ang mga hininga namin habang binubuklat ko ang nakayuping papel na naglalaman ng opisyal na liham ng Conclave.

Wala rin ni isa sa amin ang nagsalita. Para bang hinigop ng sulat na aking hawak ang lahat ng aming atensyon.

Nang mabuksan ko ito ng tuluyan. Wala ng hologram ng babae ang lumitaw, wala ring kahit na anong kakaibang nangyari.

Isa lang talaga itong ordinaryong sulat.

Binasa ko ang laman nito.

Ang Conclave ay tagumpay na napalaya ang sinumpang

lugar- ang syudad ng Yorka. Hangad namin

na tanggapin niyo kami bilang lehitimong organizer ng event.

Aming sisikapin na itaguyod ang patas na diwa ng laro.

Inihanda namin ang lahat ng mga kakailanganin.

Para makapaghatid ng isang makabuluhang laro at para

sa ikagaganda ng taonang tradisyon at pinaka grandiyosang

patimpalak sa balat ng Faraway Land.

Maraming pagbabagong magaganap
nang sa ganun ay

maging higit pang kapana-panabik at kagila-gilas ang

taonang palarong ito. Kaya naman
maraming syudad

ang aming pinagpipilian
at napupusuan na

pagdadaosan ng patimpalak gaya ng:
Ria Sao, Itawa at Babaylon.

Subalit bilang pagkilala sa syudad ng
Yorka.  Napagpasyahang ito

ay mas mainam na ganapin
na lamang dito. Ang Conclave ay

umaasa sa lubos ninyong suporta
at sana ay hindi

nabawasan ang inyong pananalig at tiwala sa

diwa ng laro. Magsisimula ang lahat sa syudad ng Yorka.

Conclave

Matapos kong basahin ang nilalaman ng sulat ay napansin ko agad ang pagkunot ng noo ni Beauty.

"Isa rin kaya ito sa sinasabi nilang pagbabago?" nagtatakang tanong ni Beauty habang nag iisip ng malalim.

Hindi ko pinalampas ang naging reaksyon niya at agad akong nag usisa. "Bakit Beauty paano mo naman yan nasabi?"

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon