The Prince
VALENA
Hating gabi na nang makauwi ako sa palasyo. Nag enjoy kasi ako sa pamamasyal kaya ayon hindi ko namalayan ang mabilis na pag usad ng oras. Ihahatid pa sana ako ng prinsipe kaso tumanggi ako no. Edi nalaman niya na isa akong bruha kung pumayag ako. For sure major turn off yun sa kanya. Kasi alam ko naman na sa mga fairytale at iba pang kwento kalaban ng mga prinsipe ang mga mangkukulam. Mukha kasi siyang mabait kaya gusto ko siyang maging kaibigan.
Lumapag ako sa may balkunahe sa aking silid at mula sa pagiging paniki ay nag anyong tao na ulit ako. Tsaka pumasok na ako sa aking silid.
"At bakit ngayon ka lang?!"sabi ni Beauty na daig pa ang matandang dalaga na may dalaw.
Halos tumalon naman ang aking kaluluwa nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko inaasahan na nasa silid ko siya.
"Jusko naman Beauty wag ka ngang basta basta na lang sumusulpot! At tsaka wala sa job description mo ang umasta na parang istriktang magulang."sabi ko naman.
"Biro lang kamahalan, actually may nakita ako..."wika nito na may kakaibang pahiwatig ang mga ngiti.
"Syempre may makikita ka talaga kasi hindi naman bulag yang malalaki at ma eyebags mong mata!"sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman sa description kamahalan! Mapanakit! Pero gusto ko yan!
By the way hulaan mo kung ano ang nakita ko kamahalan."sabi nito na parang tanga na pangiti ngiti at nagpapa cute kahit hindi naman siya cute.
"Kayang kaya kong basahin ang laman ng utak mo Beauty pero ayaw kong magsayang ng lakas. Kaya kung may gusto kang sabihin ay magsalita ka na agad, dahil kung hindi isusumpa ko ang bibig mo na maging pwet ng kabayo!"sabi ko na nagkunyaring galit.
Medyo tumawa naman siya ng hilaw.
"Nakita kita kasama yung gwapong lalaki."sabi niya na tila kinikilig.Aba may lahing marites pala itong bruha na'to! Mas high tech pa pala sa CCTV ang aking tagapag silbi.
"O tapos?!
Hala ka!
Huwag mong sabihing may gusto ka dun Beauty? Umamin ka, gusto mo yun no?!"wika ko.
"Po?! Hindi po ah."naaasiwang sagot ni Beauty. Mukhang hindi niya inaasahan na uunahan ko siya sa pag iintriga.
"Wag ka ng umasa Beauty dahil prinsesa ang hanap nun."bigla ko namang nasabi. Di ko alam kung bakit bigla na lang yun lumabas sa bibig ko.
"Hays ako pa tuloy ang nabaligtad."tila talunang bigkas ni Beauty.
Pinalabas ko na si Beauty sa aking silid. Ayokong matulog na may panget sa loob ng kwarto at baka bangungutin pa ako.
Nagbihis na ako ng damit pang tulog. Isang mapusyaw na kulay asul na night gown. Hindi na ako nagsuot ng bra para komportable ang tulog ko.
Naglagay ako ng telang pantakip sa aking mga mata para mas mabilis akong makatulog
+++++++
Parang naalimpungatan ako dahil tila may malamig na bagay na nasa aking mukha. Teka? Bakit parang matalas ang bagay na bahagyang tumutusok sa mukha ko? Pilit kong itinutulak palayo sa aking mukha ang bagay na iyon. Ngunit bumalik na naman ito ilang sandali lang ang lumulipas.
Bahagya akong nainis. Baka pinagti tripan ako ni Beauty. Buti na lang at nang itulak ko ulit ay hindi na ito dumikit pang muli.
"Beauty itigil mo yan kundi tatampalin talaga kita!" sabi ko habang nakapikit pa rin at nagtabon ng kumot at tumagilid pakanan. "Isturbo!" dagdag ko pa at inayos ang telang nakatakip sa aking mata.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...