Chapter 16

540 64 0
                                    

Jungle Spirit

VALENA

Nang magbalik ang ulirat ng batang lalaki ay napabalikwas ito sa kanyang higaang gawa sa mga natuyong lumot.

"Ayos ka lang ba kuya?" tanong ni Rena sa batang lalaki na may peklat sa gilid ng mata.

"Huwag ka munang tumayo tol. Nanghihina ka pa." pinigilan ni Kai na tumayo ito.

Ngunit hindi siya nito pinakinggan bagkus ay mabilis itong nagtungo sa kinaroroonan ko at ni Crochet.
Hindi na niya alintana na kami ang kaharap niya.

"Tulong po, si Rakus nahuli ng mga mangangaso!" halos maubusan siya ng hininga. Mahigpit ang hawak niya sa aking mga braso.

"Huminahon ka lang. Uminom ka muna ng tubig."sabi ko at inabutan siya ng tubig na nakasilid sa isang putol na kawayan.

Mabilis niyang tinungga ang tubig na parang isang buwitre na lumunok ng pagkain.

"Anong nangyari kay Raku?" lumukot ang mukha ni Rena.

Hinaplos naman ni Kai ang balikat ng batang babae.

Ikwenento niya ang nangyari sa amin.

+++++++

Flashback

Third Person's POV

Nakatayo si Rakus sa isang sagradong bato sa pinaka tuktok ng isang mataas na lambak at pinagmamasdan ang malawak na kagubatan. Habang palihim naman siyang pinagmamasdan ng paslit.

Isa sa pinaka paborito niyang gawin ang panuorin at pagmasdan ang bawat galaw ng misteryosong bantay ng gubat. Hindi lang siya natutuwa kundi nahihiwagaan din siya sa napaka kakaibang nilalang na ito.

"Ayan na! Malapit na siyang magsimula!"pumapalakpak ang kanyang mga tainga at sumipasipa ang kanyang utak dahil sa antisipasyon.

Tila may alam siyang gagawin ng espiritu ng gubat. Isang bagay na labis niyang kinamamanghaan.

Marahang umangat ang kaliwang unahang paa ni Rakus. Tila nag unat unat ito ng ulo sa pamamagitan ng marahang pagpihit ng kanyang leeg sa kaliwa papuntang kanan.

Tumingala ito sa langit at ilang saglit pa ay nagliwanag ang mga ginintuan nitong sungay. Tila may mga maliliit na bituwin o di naman kaya'y mga alitaptap ang nabuo sa kanyang sungay.

Para bang naging isang puno ang sungay nito at nagmistulang mga dahon na sumibol ang mga butil ng gintong liwanag na nakabalot sa mahiwaga nitong sungay.

Ilang sandali pa ay ibinaba niya ang bahagyang nakataas na paa at nagsimulang umihip ang malamig na simoy ng hangin.

Iwinagayway niyang marahan ang kanyang sungay at unti unting natangay ng agos ng hangin ang mga butil ng liwanag.

Kumalat ang mga gintong butil ng liwanag sa lahat ng sulok ng kakahoyan.

Para siyang nanunuod ng pambihirang magic show. Nakanganga lamang siya at hindi pumukit kahit minsan dahil napako ang kanyang atensyon sa magandang palabas na kanyang nasaksihan.

Bawat halaman at puno pati na mga bulaklak at damu na madapuan ng gintong butil ay yumayabong, sumisigla at namumukadkad! Ang mga natuyot na mga halaman ay muling nagkakaroon ng buhay sa sandaling madapuan ng gintong butil ng liwanag. Ang mga nabaling sanga ay muling nababalik sa dati sa tuwing malalapatan ng butil ng liwanag. Tila sumasayaw ang kalikasan sa sandaling matanggap nila ang biyaya ng bantay ng kagubatan na si Raku.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon