Chapter 5

1.1K 72 5
                                    

Learning Magic

VALENA

Ang buong akala ko ay magtatagal si Mader Sitaw sa palasyo ngunit aalis rin pala siya agad. Obviously ikinatuwa ko naman na malamang mawawala rin siya sa aking paningin. Sino bang taong gugustuhing makasama ang kagaya niyang nilalang na may mukha na pang out of this world. Isa lang ang sigurado ako, hindi ko siya mami miss. Palagay ko naman ay the feeling is mutual. Hindi ko alam kung talaga bang magnanay kami o baka allergic lang talaga siya sa pagpapakita ng emosyon gaya ng pagmamahal. Baka ganito lang talaga ang tradisyon ng isang pamilya ng mangkukulam. Cold hearted at masasama.

Bumisita lang pala siya para ibigay ang listahan ng mga kailangan kong gawin. In fairness may malasakit din naman siya dahil nga ayaw niyang maging kamukha ko siya kaya gumagawa siya ng listahan ng mga kasamaan na aking gagawin.

"O sya babalik na lang ako sa susunod na kabilugan ng buwan. At gusto ko pagbalik ko mapuno mo na ang sisidlang ito gaya ng dati."sabi niya sabay abot ng isang mahaba ngunit payat na vial na may gintong ahas na desenyo na animoy nakapulupot sa sisidlan.

"Mapuno po ng ano? Pawis?"tanong ko na hindi nag iisip.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mahaba, malambot at shiny kong buhok. "Syempre ng takot! Takot ng mga taong bayan. Medyo naiinis na ako sayo ha dahil nagiging shonga ka na."sabi nito na bahagyang hinila ang buhok ko matapos niyang haplos haplosin.

Bakit naman kailangan niya ng takot? E kung manalamin na lang siya, siguradong marami na siyang takot na makukolekta.

"Ano ka ba Mader Sitaw it's a prank. Alam ko naman talaga gusto ko lang alamin kong mauuto kita. At effective naman."sabi ko sabay humalakhak. Sinisimulan ko lang namang isabuhay ang pagiging kontrabida. "Asahan mo gaya ng dating gawi mapupuno ko ito."pinilit kong tumawa para hindi halatang wala akong kamuwang muwang sa mga nangyayari.

"O sige na at kailangan ko na uling mag beauty rest. Basta sa pagbalik ko tapos mo na ang listahan at napuno mo na ang vial."wika niya na pinandilatan ako ng mata niya. Kahit hindi na niya idilat ang mata niya ay natural na malaki na ang mga ito.

Hindi ko akalaing masisiyahan ako na makita ang karwahe niya habang unti unting naglalaho. Halos patalon akong naglakad pabalik sa loob ng palasyo. Sing gaan ng hangin ang aking pakiramdam.

Ang sakit niya kaya sa mata. Parang gusto ko tuloy lagyan ng holy water ang aking mga eyeballs para mahugasan mula sa pagka exposed sa nakakatakot niyang anyo.

Ang sabi sa akin ni Beauty ay babalik na raw ito sa Black Palace para mag beauty rest. Mas dapat na itawag sa gagawin niya ay ugly rest at hindi beauty rest no. Hahaha napaka sama ko na ba? Effective na ba akong kontrabida?

Sobrang ganda nga ng tanawing aking nakikita mula sa palasyo ngunit hindi pa rin ako nakapamasyal sa labas. Gusto ko ng makita ng personal ang mga tanawin. Parang nang aakit ang mga magagandang tanawin na puntahan ko sila.

Sabi sa akin ni Beauty na pwede akong mamasyal ngunit sa malapit lang at hindi dapat ako pumunta ng bayan. Naging masunurin naman ako. Kaya sa kapatagan na lang ako namasyal. At pagkatapos ng naranasan ko sa bayan talagang hindi na ako magkakamaling basta basta na lang pupunta dun.

Tila niyayakap ng mga damo ang aking likuran. Malambot at mabango ang halimuyak na nagmumula sa mga damo kaya mas lalong masarap matulog. Napapalamutian ng mga ulap ang kulay asul na kalangitan. Para akong idinuduyan habang diritasu ang tingin sa bughaw na langit.

Nang magsawa ako sa kakatitig sa kalangitan ay naupo naman ako. Iginala ko ang aking mga mata sa maganda at tahimik na lugar. Kay ganda ng mga bulaklak na nagkalat sa kapatagan. Idinuduyan sila ng mahinang hampas ng hangin. Tila sumasayaw sila sa ihip ng malamig at marahang hangin. Hirap tuloy makadapo ang mga bubuyog sapagkat natatangay ng ihip ng hangin. Ang mga paru-paru at tutubi ay animoy nakikipaglaro ng habulan habang palipat lipat sa mga bulaklak. Kay gandang pagmasdan ng kalikasan.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon