Mader Sitaw's Dirty Little Secret
VALENA
Nang makita ko ang estatuwa na may hawak ng sandok agad akong napatayo.
Di ko na inalintana ang ipot ng ibon dahil mas interesado ako sa estatuwa.
Isa itong nakahood na estatuwa ng babaeng mangkukulam na may hawak na sandok. Kagaya ng statue of liberty ang porma nito pero sandok lang ang hawak niya.
Gamit ang mahika ay tinanggal ko ang ipot ng ibon. Nagmukhang bago ulit ang aking damit.
Hinanap ko si Crochet at ipinakita ko sa kanya ang estatuwa.
"Maaring isa itong clue!" kumakaway kaway ang mga buntot niya.
"Tama! Kung tama tayo. Ang kailangan na lang nating gawin ay maghanap ng iba pang estatuwa na may hawak ng iba pang gamit na nasa kahon."
Naghiwalay ulit kami ni Crochet. Nag ikot ikot uli ako sa buong palasyo. Hanggang sa mapapad ako sa malapit sa colosseum.
Nakasalubong ko sina Kai at Loh. Naghahabulan sila at nagtatawanan. Para silang mga biik na nakawala sa hawla kung magtakbuhan.
Di ko maiwasang mapangiti, nakakahawa kasi ang kanilang mala bungisngis na tawanan at hagikhikan.
Agad naman silang napahinto nang makita nila ako. Suot nila sa kanilang mga labi ang inosenteng mga ngiti.
"Magandang araw kamahalan, may hinahanap po kayo?" tanong ni Kai na pawisan ang mukha.
"Ah oo, may napansin ba kayong estatuwa na may hawak na kakaiba gaya ng orasan,lampara o ugat?" sabi ko habang nagbabasakaling may nakita sila.
Bahagyang nag-isip ang dalawa.
Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ni Loh.
"Meron po akong nakitang estatuwa na may hawak na orasan kamahalan. Sasamahan po namin kayo. Nasa malapit lang." sabi nito.
Kumurba naman ang aking mga labi. Nagtungo agad kami kung nasaan ang estatuwa.
Mga ilang metro lang ang layo nito mula sa colosseum.
Kumurba ang aking bibig nang matanaw ko ang aking hinahanap.
Isang estatuwa ulit ng mangkukulam na may suot na hood pero hindi kagaya ng unang estatuwa na hanggang paa ang haba ng suot na damit, ang isang 'to ay above the knee lang ang suot.
May hawak itong pocket watch sa kanang kamay.
"Salamat mga bata. Pwede na kayong maglaro ulit." nginitian ko sila.
"Walang anoman kamahalan." sagot ng dalawa at tumakbo na papunta sa may mapunong bahagi.
Nang makita ko si Crochet ay nahanap na rin niya ang isa pang estatuwa na may hawak ng lampara.
Kaso wala kaming mahanap na estatuwa na may hawak na ugat.
Kaya minabuti naming lumipad sa ere upang magkaroon ng bird's eye view sa lugar kung nasaan naroroon ang mga estatuwa baka sakaling mahanap din namin ang pang apat.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...