Am I Dreaming?VALENA
May mga bagay talaga na mahirap paniwalaan. Mga bagay na kahit personal mo ng nararanasan ay mapapatanong ka pa rin kung ito ba ay totoo.
Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito. Mali, ang lahat ng ito ay isang bangungot. Bangungot na hindi ko kayang takasan.
Oo, hiniling kong mabuhay ulit pero hindi sa ganitong lugar. At mas lalong hindi sa ganitong kataohan. Mangkukulam? Ni sa hinagap di pumasok sa isip ko na maging ganito.
At sa totoo lang may takot nga ako sa mga mangkukulam. Noong bata ako lagi akong may napapanaginipang mga mangkukulam dahil na rin siguro sa kakapanuod ko ng mga fairy tale kung saan palaging kalaban ng prinsesang bida ang isang salbahing mangkukulam. I hate them, dahil siguro sa nakatatak na sa aking isip na masasama talaga sila at palaging epal sa kasiyahan ng iba.At noong bata pa ako kapag naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng dula dulaan inaayawan ko talaga ang role na mangkukulam.
Totoo nga siguro ang kasabihan na kung anong ayaw mo 'yon ang ibibigay o ipaparanas sa'yo.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala na napunta ako sa mundong ito. Sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan. Bakit dito ako napunta? At paano ako napunta dito?
Muli akong napatingin sa bawat sulok ng aking silid at ngayon ko lang napansin ang napakalaking painting na naka sabit sa dingding. Mala anghel ang mukha pero merong kakaiba sa kanyang ngiti. Ngiting tila hindi gagawa ng mabuti. Talaga nga bang nasa katawan ako ng babaeng ito na nasa painting?
"O nakatulala na naman kayo, kamahalan. Ikaw ha, kanina pa talaga ako nahihiwagaan sa'yo." Diri diritsung pumasok sa aking silid si Beauty nasa harapan niya ang lumulutang na table na may lamang nakatakip na mga plato. Malamang pagkain ang mga ito.
Hindi ko pa rin lubusang naiintindihan kung paano niya napapalutang ang mesa.
Isang mabilis na tingin lang ang iginawad ko sa kanya.
"O sya kumain ka na po kamahalan."
"Pwede bang huwag mo akong tawaging kamahalan. Tawagin mo akong kahit ano huwag lang kamahalan." parang nakakaasiwa pakinggan na tinatawag na kamahalan.
"Ho?! Kung magsalita po kayo ay para kang ibang tao, kamahalan." nakakunot ang kanyang noo habang inililipat sa isang coffee table ang dala niyang pagkain. "Nakakapanibago talaga."
"Huwag mo ng intindihin yon. Dala lang iyon ng sakit ng ulo at stress."
Nataohan naman ako sa sinabi ni Beauty. Kailangan ko palang mag ingat. Ayukong may makaalam mahirap na baka kung ano pa ang gawin nila sa akin.Tiningnan ko siya sa mga mata na parang isang detective na maingat na sinusuri ang isang bagay. Hindi makampante ang aking katawan nang makita ko siyang palapit sa akin. Gustohin ko mang lumayo pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Dahil sa takot? Hindi. Naramdaman ko kasi na wala siyang gagawing masama. Palihim akong napabuntong hininga para lang maalis ang tensyon sa aking katawan. Kumuha siya ng suklay at marahang hinawakan ang aking buhok.
"Napaka lambot at shiny talaga ng buhok niyo, kamahalan. Kaya gustong gusto kong sinusuklayan kita. Malayong malayo sa buhok ko." Umupo siya sa tabi ko at marahang pinatakbo ang suklay sa kahabaan ng aking buhok.
Nakakabingi ang katahimikan na bumalot sa silid. Sa tingin ko kailangan kong basagin ang katahimikang ito.
"Beauty, gaano ka na nga katagal na naninilbihan dito? Medyo di ko na matandaan." pasimple kong tanong.
"Mula pa po nung baby pa kayo kamahalan, mahigit labing walong taon na ang nakakalipas." sabi niya habang patuloy sa pag suklay sa aking buhok.
Sinarili ko lang ang aking pagkabigla.
Maaaring magka edad lang pala kami ng bago kong katawan. Labing walong taon lang din ang nilagi ko sa mundo bago ako binawian ng buhay. Hindi ko alam kung mainam ba na sa katawang kasing edad ko lang ako napunta. Ang hirap naman kung bumalik ako sa pagiging baby. Pero mas mabuti pa nga siguro kung ganun baka may chance pa na mabura ang mga alaala ko sa mundo. Pero choosy pa ba ako?
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...