Nakaupo si Karylle sa sofa unlike kanina, mukhang bumalik na ulit sa level of kakulitan tong si Karylle at nakikialam na naman ng mga gamit ni Vice.
May nakita naman si Karylle sa sahig na crumpled paper, tingnan niya yung nakasulat at nakita niyang 4 digits yun at posibleng passcode ng main door ni Vice. Palingon-lingon naman si Karylle at mabilis sinilid sa bulsa niya yung papel for future purposes.
Dumating naman si Vice na may dalang towel at first aid kit. Pinatong naman ni Vice yung towel sa ulo ni Karylle at pinunasan buhok ni Karylle para matuyo. Pinasuot na rin ni Vice si Karylle kanina ng damit niya since nabasa yung damit niya sa ulan.
Parang bata naman si Karylle na binoblower pa ni Vice yung kulot niyang buhok.
Karylle: ang saya naman!
Vice: Ikaw lang yung taong napahamak na masaya pa rin!
Sumimangot naman si Karylle at hinablot kay Vice yung blower para siya na lang gumawa nun sa buhok niya.
Kinuha ni Vice yung first aid kit at tumabi kay Karylle. Kinuha niya yung kamay ni Karylle at nagsimulang mag-lagay ng gamot. Nasugatan kasi si Karylle sa pagkakadapa niya papunta sa bahay ni Vice.
Karylle: Aray!
Nilayo naman ni Karylle ng konti yung kamay niya pero nilapit din ni Vice.
Vice: Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka ng lalabas sa gabi? Bakit ba ang kulit mo?
Karylle: May importante kasi akong ginawa
Vice: Importante? Ano pang mas importante kesa sayo? Ang ibig kong sabihin, ano...ahm ano pang mas importante kesa sa kaligtasan mo ha?!
Pasigaw na sabi ni Vice na halatang naiilang na rin kay Karylle. Si Karylle walang kamalay-malay sa mundo.
Karylle: Hindi mo kasi ako naiintindihan kasi hindi mo pa naeexperience yung sobrang mageffort para sa ibang tao...aray!
Nadiinan naman ni Vice yung paglagay ng betadine sa sugat ni Karylle.
Well anyway, kung ano man ang sitwasyon ni Karylle ngayon kay Vice, naexperience naman ni Vice yun kay Kaye. So alam din naman niya yung pakiramdam ng nababalewala.
Vice: I'm sorry.
Karylle: Oo na apology accepted pero wag mo na ibabad yung cotton, ang sakit na.
Bigla namang tinanggal ni Vice yung cotton at natawa kay Karylle. In return, hinipan naman ni Vice then hinalikan yung lower portion kung san walang galos at nagsmile kay Karylle.
Karylle: Bakit mo hinalikan?! Hay naku!
Nagulat naman si Vice ng biglang nilayo ni Karylle yung kamay niya at galit na galit sa kanya. Akala niya kasi matutuwa si Karylle kapag ginawa niya yun.
Vice: Ano bang problema mo dyan? Parang hinalikan lang, kung makareact naman to!
Karylle: Bakit mo kasi hinalikan, ayan di na tuloy ako maliligo.
Vice: Ano?!
Natatawa naman si Vice kay Karylle pero pinipigilan niya para magmukhang seryoso sa harap ni Karylle.
Vice: Hinalikan ko lang hindi ka na maliligo? Napakababoy
Karylle: Hindi mo rin naman ako maiintindihan kaya bakit kailangan ko pa magexplain? Hay naku, syempre para kay Karylle sacred yun. Labi mo kaya yun!
Vice: Anong tingin mo sa laway ko holy water?!
Karylle: KISS, K-I-S-S.
Nakatingin lang si Vice kay Karylle at nacucutean na rin habang nagstate ng opinion niya about kiss.