Vice: Eros, pwede mo ba kong tulungan?
Nagulat naman si Eros sa tanong ni Vice pero naexcite na rin.
Eros: Tulong?
Inisip namang mabuti ni Eros kung anong tulong ang kailangan ni Vice ngayon. At nang marealize niya kung ano yun, nagmadali niyang inilabas at pinakita kay Vice ang isang daang golden arrows niya.
Eros: Mukhang kailangan ulit gamitin 'to para kay Karylle, wala naman palang masamang mangyayari eh.
Natatawang sabi nito habang inaayos yung arrows niya for Karylle.
Eros: Ewan ko na lang kung hindi pa siya mainlove ulit sa'yo! eeehhh!
Napakamot naman si Vice ng ulo at natawa na lang sa naisip ni Eros.
Vice: Eros, ano ka ba hindi ganyang klaseng tulong ang kailangan ko.
Eros: Huh? eh ano?
Karylle's house
Sa oras na ala sais ng umaga, magkasamang pumunta si Vice at Eros sa bahay nila Karylle.
Kinakabahan, nagpupunas ng pawis at nanginginig ang kamay ni Vice habang hawak nito ang pandesal at bulaklak. Hindi ito mapakali at parang may namumuong tensyon sa tiyan niya at gusto na lang niyang umuwi. Kabaligtaran naman ito ng nararamdaman ni Eros na sobrang saya sa gagawin nilang pagbisita. Hawak din ni Eros ang maleta ni Vice.
Vice: Si...sigurado...ka..ka ba di..dito?
Pabulol na sabi ni Vice.
Eros: Oo naman! Ako pa ba, kailan ba ko nagkamali?
Kumpyansang sagot naman ni Eros. Nang makita ni Vice ang gate ng bahay nila Karylle, mas lalo niyang naramdaman ang matinding kaba.
Vice: Parang...ah ano...ayoko na ata, uwi na lang muna tayo.
Sabi ulit ni Vice at tumalikod na para umuwi. Mabuti na lang at hinila ulit siya ni Eros.
Eros: Andito na tayo tsaka ilang beses na rin nating napractice yung sasabihin mo.
Vice: Baka kasi magalit eh.
Eros: Hindi yun magagalit, ako bahala sa'yo.
Vice: Eh kasi...
Natataranta naman si Vice at hinahawakan ng mahigpit ang pantalon niya na halata ang pagkailang.
Vice: Sigurado ka ba dito sa damit na 'to? Hindi kasi ako komportable.
Turo ni Vice sa polo niya na naka-tuck in pa sa pants. Nakasuot din siya ng leather shoes at naka-two side ang buhok gaya ng sinabi ni Eros.
Naalala naman ni Eros ang eksena ng makita niya ang mga litrato sa cabinet ni Karylle. Ito ang mga pictures ng tatay ni Karylle noong kabataan days nito at nang makita yun ni Eros ay naisip niya na baka ito ang gusto ni Karylle.
Eros: Sabi ko nga sa'yo, noong huling beses na nakapasok ako sa kwarto ni Karylle nakita ko yung ganyan, sigurado akong matutuwa yun!
Napakamot na lang ng ulo si Vice dahil parang wala naman siyang maalala dati na ito ang hilig ni Karylle.
Vice: Ang aga naman kasi nating umakyat ng ligaw, bakit ba ala sais ng umaga?
Napailing naman si Eros sa sinabi ni Vice. Mukhang wala talaga itong alam sa panliligaw, mabuti na lang talaga at may kaibigan siyang kupido na mag-gaguide sa kanya. "Hay, kawawang Vice" ito ang naiisip ni Eros ngayon.
Eros: Vice, sa umaga talaga dapat manligaw para kung hindi magwork eh di pwede pa sa hapon.
Wala namang nasabi si Vice sa logic na yun ni Eros.