Isang umaga pagkatapos ng gabi bago magtanghali.
Masayang naglakad si Karylle papunta sa harap ng bahay ni Vice na may dala-dalang sandwich. Well, nakagawian na ni Karylle ito kaya naman halos maipon na rin yung mga sandwich na binibigay niya kay Vice sa ref kasi hindi naman nakakain.
Pipindutin na sana ni Karylle ang doorbell ng kusang bumukas ang pinto.
Karylle: Susyal! High-tech na, automa--!
Nagulat naman si Karylle ng makita si Vice sa harap niya. Hindi kasi automatic yung pinto, si Vice na talaga ang kusang nagbukas ng pinto bago pa man magdoorbell si Karylle. Ilang minuto na rin kasi siyang naghihintay kaya nung makita niya si Karylle na parating na, binuksan na niya.
Vice: Good morning!
Karylle: ang jowa kong hilaw ang pogi-pogi na naman! Eeeeee!
Papadyak-padyak pa si Karylle ng paa si Karylle na kinikilig, si Vice naman natatawa lang at hinahayaan na lang si Karylle since alam naman niya ang sitwasyon ni Karylle ngayon.
Nang makahalata si Karylle na tahimik na lang si Vice, inayos na niya yung sarili niya at naging pormal ang kilos.
Karylle: Good morning din.
Nagtiptoe naman si Karylle para maabot si Vice at hinalikan niya ito sa cheeks parte ng pananatsing niya kay Vice pero seryoso pa rin.
Karylle: Ang bango mo, isa pa nga.
Wala namang nagawa si Vice, hindi na rin siya nakapagsalita dahil after siyang halikan eh dumerecho na si Karylle sa dining area.
Karylle: Emerghed.
Vice: Naisip ko kasi darating ka kaya para malaman mo na sincere yung paghingi ko ng tawad, baka sakaling mapangiti kita kapag pinagluto kita ng breakfast. Kain ka na.
Kinikilig naman si Karylle pero pinipigilan na lang niya dahil nangako siya kay Vice na magkaibigan lang sila ni Vice sa ngayon.
Sinenyasan naman ni Karylle si Vice para iusog yung chair at ioffer sa kanya hanggang sa makaupo siya eh kaso si Vice hindi naman magets. Nagtataka lang si Vice dahil kanina pa senyas ng senyas si Karylle.
Hindi na nakapaghintay si Karylle kaya siya na ang nausog ng upuan. Bigla siyang naupo at nagsmile. Si Karylle yung nagusog ng chair para sa sarili niya pero dahil ilang sakong hopia ang tinira ni Karylle, iniimagine na lang niya na si Vice yung gumawa nun since nasa likod lang din naman niya si Vice.
Karylle: Eee ikaw naman Vice, ang gentleman mo talaga. Wag kang masyadong sweet baka magkacrush ako sa'yo, ikaw rin.
Wala namang nasabi si Vice at umupo na lang din sa tabi ni Karylle.
Vice: Ahm Karylle...
Karylle: po?
Vice: Free ka ba today?
Nabitawan naman ni Karylle yung kutsara, nanlaki ang mga mata niya at hinarap si Vice.
Vice: Kasi di ba sabi ko babawi ako kaya naisip ko isama ka sana ngayon sa lakad ko kung okay lang sa'yo?
Si Karylle nakanganga lang sa mga pinagsasabi ni Vice. Dahan-dahang hinarap ni Vice si Karylle at nagsmile. Medyo kinakabahan naman si Vice sa isasagot ni Karylle kasi syempre iniisip niya baka hindi ito pumayag dahil sa mga nagawa niya kay Karylle.
Karylle: Inaaya mo ba kong magdate?
Vice: Date?
Karylle: Oo date. Kasi di ba kapag ang isang lalaki