Karylle: Hi bhe!
Nagniningning ang mata ni Karylle at nagbublush na naman dahil sa bagong gising hairdo ni Vice at sa suot nitong boxer shorts at black shirt. Kanina pa pala ito naghihintay na pagbuksan siya ni Vice ng pinto. Pero mas nagulat si Vice ng makita ang mga maletang dala-dala ni Karylle.
Biglang sinara ni Vice ang pinto at hindi pinansin si Karylle. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya, yung masundan siya nung babaeng tinamaan ng matinding golden arrow na yan ni Eros.
Tok tok tok!
Napapikit na lang si Vice at kahit papano nagkaroon ng konting awa sa eyebags ni Karylle na sobrang laki na. Marahang binuksan ulit niya ang pinto.
Vice: Bakit ba?! Anong kailanga---
Agad pumasok si Karylle ng bahay at buhat-buhat ang maleta niya.
Vice: Anong ginagawa mo?
Karylle: Pinapasok ko ang mga gamit ko sa bahay natin---HUWAW!!!
Nanlaki naman ang mata ni Karylle ng makapasok sa bahay ni Vice. Agad niyang napansin ang chandelier pati ang automatic window blinds.
Karylle: ang ganda naman ng bahay mo, sosya...
Vice: NO!
Binuhat ni Vice lahat ng gamit ni Karylle at nilalagay ulit sa labas. Lahat naman ng nilalabas ni Vice, pinapasok lang ulit ni Karylle so paikot-ikot lang sila at walang kapaguran. Pero ang maganda dun, si Vice naiinis at si Karylle, nageenjoy lang.
Karylle: Bhe, ano ka ba naman, bakit mo nilalagay sa labas mga gamit ko?
Vice: This is my house! Bakit mo pinapasok mga gamit mo dito?!
Karylle: Kasi dito na ko titira.
Vice: Anong pinagsasabi mo?!
Nagmamasid si Karylle sa paligid at hinahanap kung nasaan ba ang kwarto nila ni Vice.
Karylle: Teka, asan ba kwarto natin dit--
Aakyat na sana si Karylle ng hinatak siya ni Vice. HInawakan ang balikat ni K at tinitigan ng mabuti. Hindi naman makapagsalita si Karylle sa ginagawa ni Vice dahil sa matinding kaba.
Masyado ng magulo ang sitwasyon ni Vice ngayon at kailangan niyang ipaliwanag kay Karylle ang mga nangyayari dahil kung hindi, baka lumala pa lalo ang sitwasyon nila. Lalo na si Karylle, dahil nadawit lang naman siya sa gulong ito.
Vice: Look, hindi mo ko kilala.
Karylle: Kilala kita, ikaw ang long lost boyfriend ko.
Napailing na lang si Vice sa sinabi ni Karylle. Sa mga nakikita at naririnig niya mukhang tinamaan na nga si Karylle.
Vice: NO! Hindi ako yun, okay?!
Karylle: Bhe naman, nakalimutan mo na naman
Vice: HINDI HINDI HINDI! OKAY?! You better listen to me first before you open your mouth!
Karylle: Sige bhe.
Vice: Hindi tayo magkakilala, okay? Well, sige sabihin na natin na alam natin ang pangalan ng isa't-isa pero hindi pa tayo lubos na magkakilala. Karylle, kahapon lang tayo nagkita.
Karylle: That is--
Vice: Shut up!
Tinikom na lang ni Karylle ang labi niya para hindi na magsalita pa dahil nagagalit na ang pinakamamahal niyang si Vice. Parang bata lang siyang tahimik na nakikinig ngayon.
Vice: May mga bagay akong gustong sabihin sa'yo kaya gusto ko makinig kang mabuti at wag magsasalita. Okay ba yun?
Tumango na lang si Karylle at sinunod si Vice.