Arrow 11

5.1K 218 70
                                    

Binabantayan ni Karylle si Vice habang natutulog. Di rin nagtagal at dinalaw na rin siya ng antok. Dahil nahihiya naman siyang makitulog ay mali pala, medyo nahihiya siyang matulog katabi ni Vice kaya natulog na lang siya sa sahig.

Iyak kasi ng iyak si Vice kagabi at hindi naman niya ito maiwan sa ganitong kalagayan.

Bago pa matulog, nilapitan niya si Vice at hinawi ang buhok nito. Naka-fetal position naman si Vice sa pagtulog at namamaga ang mata sa sobrang pagiyak.

Napabuntong hininga na lang si Karylle at hinalikan ang noo ni Vice. Gumalaw naman si Vice at sumimangot na parang magigising sa ginawang paghalik ni Karylle.

Vice: Wag mo kong iiwan please, natatakot ako magisa... Mahal kita.

Labis namang naawa si Karylle sa mga sinabi ni Vice kaya mas lalong tumindi ang kanyang pagnanasa... ang matinding pagkalinga kay Vice. Tinapik-tapik naman niya ito at hinele si Vice. Kinantahan ito ni Karylle para hindi maistorbo sa pagtulog.

Karylle: Pangarap ko'y di maabot dahil sa bawal na gamot...

Pagsikat ng araw, lumubog ulit. Nagising si Vice sa sikat ng araw na lumampas sa kurtina ng kwarto niya. Pagbangon niya, napansin niyang hindi siya nakapagpalit ng damit at nakatulog kahapon.

Pilit naman niyang kalimutan yung mga nangyari pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip niya si Kaye.

Dahil sa mga nangyari, nagdesisyon na lang si Vice na kalimutan na si Kaye kahit mahirap. Pababa na ng kama si Vice, lalapat na ang kanyang paa ng biglang may maramdaman itong kakaiba.

Nakita niya si Karylle na nakabulagta matulog sa sahig. Walang kumot, walang unan, walang sapin na hinihigaan pero sobrang komportableng matulog. Natawa naman si Vice at naalala yung ginawang pagcomfort sa kanya ni Karylle.

Karylle: Iiyak mo lang yan, andito lang ako hinding-hindi kita iiwan.

Napangiti naman si Vice at biglang tumayo sa may pwesto ni Karylle.

Lumapit naman si Vice at hindi pinalampas ang ganda ng view sa harap niya. Isang magandang anghel ang natutulog ng mahimbing sa harap niya, tulo laway pa.

Lumuhod na ito at dahan-dahang bubuhatin si Karylle para ilipat sa kama ng biglang gumalaw naman si Karylle at naitulak si Vice.

Napahiga naman si Vice at sa pagkakahiga ni Vice, biglang dinagdaanan siya ni Karylle at niyakap na parang unan. Nagulat naman si Vice sa ginawa ni Karylle at maingat na inaalis ang kamay ni Karylle.

Kakaalis pa lang ng isang kamay, yung isa naman ang yumakap sa braso ni Vice. Parang tuko naman si Karylle na nakakabit kay Vice. Bawat pagtanggal ni Vice sa kamay ni Karylle, bumabalik lang ito at mas lalong humihigpit ang pagkakayakap.

Wala ng nagawa si Vice kaya pwersahan na niyang tinanggal ang kamay ni Karylle at binuhat na ito sabay tapon sa kama. Kung hindi nga naman mantika matulog si Karylle, tinapon na't lahat tulog pa rin.

Tulog na tulog pero kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi ni Karylle na halatang kinikilig.

Nilapit naman ni Vice ang bibig niya sa tenga ni Karylle at binulungan ito.

Vice: May karapatang kang matulog sa kama ko ngayon.

Pagkatapos itong bulungan, nakapamulsang iniwan na rin ni Vice si Karylle sa kwarto niya para makatulog ito ng maayos. Bumalik na naman ulit si Vice sa pagiging masungit at naiinis sa kakulitan ni Karylle.

Pagkasara ng pinto, agad namang minulat ni Karylle ang mga mata niya. Kanina pa kasi talaga ito gising at halatang nanantsing lang kay Vice. At napansin din naman yun ni Vice kanina kaya bumulong na siya kay Karylle.

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon