Arrow 20

2.9K 171 27
                                    

Papuntang clinic si Apollo ng makita niya ang kapirasong papel na nagkalat sa daan. Pinulot naman yun ni Apollo at nagulat siya ng makita ang picture ni Karylle. Gumagawa na ng mabilis na paraan ang mga kamag-anak o kaibigan ni Karylle para mapadali ang paghahanap sa kanya.

Alam ni Apollo na hindi magtatagal sa ganitong sitwasyon ni Karylle kaya kahit wala siyang gawin, lahat ng bagay babalik sa dati. Pero hindi pa rin maiwasan nito ang mag-aalala sa kung ano ang posibleng mangyari kay Karylle kapag bumalik yung ala-ala niya kung sino siya noon.

Apollo: Alam na kaya ni Eros ito?

Pagpasok ni Karylle ng clinic, sumalubong agad sa kanya si Apollo na nakatayo at parang may hinihintay. Napalingon naman si Karylle sa likod niya at hinahanap kung sino baa ng hinihintay ni Apollo.

Karylle: May ineexpect ka bang darating?

Apollo: Are you okay?

Karylle: Ha?

Apollo: Wala.

Nang makita ni Apollo si Karylle na okay, tumalikod na ito at bumalik sa table niya. Naguguluhan naman si Karylle sa kinikilos ni Apollo. Kahit hindi ito magsalita alam niyang may bumabagabag sa kanya na hindi nito masabi.

Hindi naman nakatiis si Karylle kaya siya na mismo yung lumapit kay Apollo.

Karylle: May gusto ka bang pagusapan?

TIningnan lang niya si Karylle tapos tumingin rin agad sa laptop niya.

Karylle: May problema ba?

Hindi naman pinapansin ni Apollo si Karylle, mas okay rin na wag na lang din siyang makialam sa sitwasyon ni Karylle ngayon. Ayaw na rin kasi niya makisali-sali sa business ni Eros kasi last time na nainvolve siya, wala lang itong naidulot na maganda.

Napabuntong hininga na lang si Karylle kaya aalis na sana siya ng bigla naman siyang tinawag ni Apollo.

Apollo: May gusto sana akong itanong.

Karylle: Ano yun?

Tinuro naman ni Apollo yung aquarium sa tabi ni Karylle. Tiningnan naman ni Karylle at pagsilip niya may nakita siyang turtle na matamlay at hindi makakilos ng maayos.

Apollo: Napulot ko yan a month ago, tapos ngayon nanghihina na siya. Nacheck ko na yung behavior niya nung mga nakaraang araw pero physically, mukhang okay naman siya. Ang hindi ko maintindihan, bakit para siyang nanghihina. Ano ba yung dapat kong gawin ngayon?

Kinuha naman ni Karylle yung turtle sa aquarium.

Karylle: Hindi kaya naninibago lang siya.

Apollo: one month na nakalipas, K.

Karylle: Baka kailangan mo na siyang ibalik sa totoong mundo niya. Baka kaya siya nanghihina kasi hindi naman talaga siya para dyan sa fake aquarium na yan. 

Apollo: Sa tingin mo ano yung dapat kong gawin?

Karylle: Oo naman. Kesa ipagpilitin mo siya sa buhay na hindi naman talaga para sa kanya mabuti pang iuwi mo na siya sa totoong bahay niya. Tingnan mo, baka kung ano pa masamang mangyari sa kanya.

Apollo: Kung gagawin ko yun, paano naman yung maiiwan niya dito?

Karylle: Apollo, ang drama mo. Hindi naman talaga siya sa'yo eh, sabi mo nga di ba napulot mo lang siya so wag mo siyang angkinin!

Natawa naman si Apollo sa sinabi ni Karylle.

Karylle: Tsaka baka ito na yung time para ibalik mo na siya. Yun ang makakabuti para sa kanya. 

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon