Pagkagising ni Vice dumeretso agad siya sa banyo para gawin ang daily routines niya, magtoothbrush, maligo, etc. Pero dahil espesyal ang araw na ito para sa kanyang bestfriend, siniguro naman ni Vice na kaaya-aya ang kanyang itsura. Kinuha nito ang razor at nagsimulang ishave ang konting bigote at balbas na tumubo.
Sa kabilang dako, pagkabangon ni Karylle humarap siya sa salamin at inuna ang pagsuklay ng kanyang buhok. Matapos ay pumasok na rin ito sa banyo at naligo. Ito ang araw na kailangan niyang samahan si Ryan sa dati nitong kaibigan. Labag man sa kalooban niya ang gagawin, kailangan niyang tuparin yung pangako niya kay Ryan. Bihira lang mag-ayos si Karylle ng sarili kaya medyo naninibago siya kung paano niya aayusan ang sarili.
Matapos maligo, sinimulan naman ni Vice na hanapin sa cabinet niya ang damit na susuotin. Kinuha niya sa isang malaking box yung suit na si Kaye mismo ang bumili para sa kanya. Gusto niya kasing magmukhang presentable ang isusuot ng bestman nila sa kasal niya. Pumili na rin si Vice ng magandang necktie para ipair sa damit niya and shoes.
Pagkabukas ng cabinet, puro alikabok ang bumungad kay Karylle. Ilang taon na ata itong hindi nabubuksan at ang dress niyang pinakatago-tago, inalikabok na. Pero dahil ito lang ang tanging pambabaeng damit ni Karylle, kinuha na lang din niya ito at pinagpagpagan para maisuot. Pati ang sapatos niya na isang beses lang nagamit, sinuot na lang din niya. Ang awkward naman kung naka-rubber shoes siya.
Nakatitig naman si Vice sa salamin, mabuti na lang pala at nakapagpagupit ito kahapon. Hindi na rin masama ang clean-cut niyang buhok. Kinuha niya sa drawer ang relo at sinuot ito. Ginamit na rin ni Vice yung favorite perfume niya. Matapos ay kinuha ni Vice ang phone niya at ng makitang nakakailang tawag at text na pala si Angel, napakamot na lang ito.
Vice: excited naman masyado, ikaw ba ang bride?
Nagmistulang bride naman si Karylle sa make-up niya. Hindi siya sanay, hindi siya marunong pero para sa isang beginner magaling na siya magmake up. Tinali naman ni Karylle sa side ang buhok niya, marunong magmake up pero hindi marunong mag-ayos sa buhok pero kahit ganun, maganda pa rin siya. Natural yun kay Karylle, kahit hindi mag-ayos maganda pa rin. Natuwa naman si Karylle ng makita ang sarili sa salamin, bihira na lang din niya kasing makita ang sarili na nagpapakababae paminsan-minsan.
Sabay namang lumabas si Ryan at Jhong ng kwarto, parehong nakabihis pero mas maayos ang suot ni Ryan kasi siya naman talaga itong invited at magiging driver lang si Jhong ng dalawa.
Jhong: Kanina pa kita ginigising ayaw mo gumising puro ka 5 minutes ayan late ka na!
Napakamot na lang si Ryan at bago sumakay ng sasakyan, nagtatalo pa rin ang dalawa.
Ryan: Si ate karylle tawagin mo na.
Jhong: Oh? Bakit ako tatawag? Alam mo naman yun mainit ulo kapag kumakatok sa kwarto niya.
Ryan: Naku late na nga malelate pa lalo.
Nagmadali naman si Ryan para puntahan si Karylle. Ilang minuto ang nakalipas, naiinis na bumalik siya kay Jhong.
Ryan: Wala si Ate Karylle sa kwarto niya.
Jhong: Ha? Anong wala?
Ryan: Wala talaga.
