Pinatulog na lang ni Vice si Karylle sa couch at umakyat na sa kwarto niya para matulog. Papaakyat na siya ng biglang maalala ang nangyari sa kanila ni K kanina.
“Goodnight my baby Kaye.”
Hindi maikakaila ni Vice nakikita niya si Kaye kay Karylle. Nung time na binigyan niya si Karylle ng kakaibang atensyon, aminado siyang si Kaye ang nakikita niya at hindi si Karylle. Napailing na lang si Vice dahil alam niyang hindi tama na ginagamit niyang pamalit si Karylle kay Kaye.
Vice: Karylle is not Kaye.
Pilit kinukumbinse ni Vice ang sarili niya ngunit hindi niya pa rin maiwasan na maisip si Kaye kay Karylle.
Vice: She's not Kaye, never forget that.
Kinaumagahan, nakita ni Vice na mahimbing ang tulog ni Karylle. Naisipan kasi ni Vice na lumabas ngayong araw, gusto sana niyang isama si Karylle ang kaso lang naalala niya na hindi magandang idea ang ilabas pa si Karylle dahil sa mga bagay na ginagawa at sinasabi nito tungkol sa kanilang dalawa sa ibang tao.
Pababa na ng hagdan si Vice ng mahulog itong muli. Dahil wala na ang unan ni Kaye, hindi naman nakaiwas si Vice kaya nagkaroon na naman ito ng maliit na sugat sa may noo. Mahimbing naman ang pagkakatulog ni Karylle kaya gumalaw lang siya ng konti ng marinig ang ingay na nagawa ni Vice.
Tumayo na si Vice at dumerecho na sa papalabas ng bahay niya.
~~~
Nakarating na si Vice sa flower shop kung saan siya bumibili ng paboritong bulaklak ni Kaye.
“Good morning sir. Same arrangement po ba ulit?”
Nakagawian na ni Vice na magpadala ng bulaklak kay Kaye tuwing umaga. Kaya naman kahit hanggang ngayon na malapit na itong ikasal, nagpapadala pa rin siya ng bulaklak.
Matapos dumaan sa isang flower shop, naisipan naman dumaan ni Vice sa nanay ni Kaye. Naging malapit na kasi si Vice sa pamilya ni Kaye, halos ituring na rin niya itong sarili niyang pamilya.
~~~
Nagising si Karylle ng wala si Vice. Hinanap niya ito sa buong bahay ngunit hindi niya ito nakita. Tinawagan man niya ito pero hindi rin sumasagot. Ilang minuto lang nakatanggap na ito ng text mula kay Vice.
From: Vice
Nasa meeting lang ako baby, don't call me. Gabi na ko uuwi
Nalungkot naman si Karylle at nagreply na rin kay Vice.
To: Vice
Sige beh, hintayin na lang kita. Mwah
Malungkot naman si Karylle na hindi niya makikita si Vice buong araw kaya naisipan na lang niyang surpresahin si Vice kaya naman tinawagan nito ang tatlong kaibigan ni Vice para sa isang maliit na salo-salo ngayong gabi.
Wala namang okasyon pero gusto ni Karylle na maging espesyal pa rin ang araw na ito para sa kanilang dalawa kahit sa dinner na lang niya makikita si Vice.
Karylle: Hi friends!
~
From: Karylle
Sige beh, hintayin na lang kita. Mwah
Vice: Hay ang kulit!
Pinatay naman ni Vice ang cellphone niya para wala ng Karylle na tatawag or magtetext sa kanya. Kausap kasi ni Vice ang nanay ni Kaye kaya isang malaking istorbo daw ang pagvibrate ng phone niya sa bulsa niya.
“Bakit Vice, may naghihintay ba sa’yo?”
Vice: Ay wala po.
“Balita sa akin ni Kaye may girlfriend ka na daw. Ikaw, bakit palagi mo sinasaktan ang anak ko.”