Arrow 6

5K 215 87
                                    

Nagising si Karylle ng may ngiti sa kanyang labi. Isang panibagong araw na naman ang magsisiimula para sa kanila ng pinakamamahal niyang si Vice. Dumerecho na si Karylle sac r at agad nagshower.

Kumakanta pa siya habang nagshashampoo mg buhok ng biglang tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang isang kaibigan.

Ryan calling

Karylle: I’m happy you know… parap parappapapaahh

Sumasayaw-sayaw pa si Karylle kasabay ang malakas na music kaya naman hindi na niya narinig ang cellphone niya.

Matapos maligo, agad kumuha ng blower si Karylle at pinatuyo ang buhok niya. Nagsuot lang siya ng simpleng tshirt at maikling shorts. Pagkatapos ay dumerecho na siya sa kusina para iprepare ang sandwich ni Vice. Nakagawian na ni Karylle na ipaghanda si Vice ng sandwich kasi nga hindi ito kumakain. Iniliagay na niya ito sa lalagyan at nagmadaling lumabas ng apartment. Nakita naman ni Karylle si Aleng Elena na nagdidilig ng halaman.

Karylle: Magandang umaga po!

Maaliwalas ang paligid, nginitian ni Karylle si Aleng Elena at ganun din naman si Aleng Elena sa kanya. Masayahin kasi si Karylle kaya kahit sinong tao magigiliw sa kanya, mapa-bata, matanda, babae, lalaki o bakla, natutuwa sa kanya.

Karylle: Nagluto na po ako ng umagahan, nilagay ko na lang sa lamesa. Kain na po kayo ako na lang magdidilig mamaya.

Aleng Elena: Ay ayos lang ako hija, ikaw ba kumain na?

Karylle: Ay hindi pa po, eh kailangan ko lang bigay ito kay baby eh. Sige po!

Maliban kay Vice, pinaghanda rin ni Karylle si Aleng Elena ng makakain nito na siyang kinatuwa naman ng matanda.

Naglakad na si Karylle papunta kela Vice which is nasa tapat lang din naman ng apartment niya.

~~~

Dingdong

Tulog na tulog si Vice at hindi magising sa doorbell. Naging makulit kasi si Karylle kagabi kaya hindi siya nakatulog ng maayos. Pinilit na naman kasi ni Karylle na dun siya matulog kagabi sa bahay nila Vice eh ang kaso, ayaw na ni Vice kasi nga kakatulog lang ni Karylle, dun na naman. So naghatakan pa sila ng dalawang oras hanggang sa maitaboy na niya si Karylle.

Dingdong

Dingdong

Dingdong

Dingdong

Kung si Karylle maganda ang gising, si Vice naman iritableng bumangon dahil naalimpungatan siya sa pagdoorbell ni Karylle na akala mo may sunog. Agad namang bumangon si Vice at dumerecho ng cr para maghilamos.

Dingdong/// Dingdong///Dingdong

Vice: HAY KARYLLE ANO BA!

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon