Arrow 13

3K 116 21
                                    

Karylle: Vice please!!!

Vice: Halika na nga dito,

Karylle: Nasasaktan na ko itigil mo na

Vice: Ayoko di kita bibitawan!

Hinihila naman ni Vice papalabas si Karylle sa isang resto habang si Karylle pinipilit magtago sa loob. Pinagtitingnan naman ng mga tao ang dalawa na nakaharang na sa entrance ng resto.

Karylle: Nakakadiri nga kasi!

Vice: Anong nakakadiri?

Karylle: Ayoko, ayoko na magpapalit na ko.

Vice: Karylle!

Karylle: Sino ba kasi nag-isip nito, ano ba tayo highschool? Oh-oh, tingnan mo. *turo sa braso niya* kinikilabutan na ko kaya mabuti pa magpalit na tayo kasi nakakahiya kanina pa tayo pinagtitingnan ng mga tao dito.

Sabi pa ni Karylle after i-justify yung point niya about wearing couple shirt. Yes, nakasuot ang dalawa ng couple shirt na may 'vicerylle' sa harap at likod na si Vice mismo ang nagpatahi nun. Blue yung color nung kay Vice and pink yung kay Karylle. Napa-oo naman si Karylle dahil ilang araw siyang hindi pinapansin ni Vice after niya humindi sa suggestion nito.

Vice: eh di sana hindi ka umoo kung nandidiri ka pala, sayang effort sige na magpalit ka na. Uuwi na tayo, wag na lang magdate.

Nang marinig ang no date rule ni Vice, mabilis na hinawakan ni Karylle ang kamay ng boyfriend at hinatak ito paalis.

Karylle: tara na, san nga tayo pupunta?

Pagkadating naman sa theme park, sumalubong agad si Jhong sa kanila. Hindi na nasabi ni Vice kay Karylle na ininvite rin niya sina Jhong and Ryan sa date nila. Gusto kasi nito na isurprise si Karylle kaso mukhang hindi siya nasurprise dahil nakakunot ang noo nito ng makita si Jhong.

Karylle: bakit ka andito?

Jhong: wow karylle, halatang gusto mo kami isama ah? hindi mo man lang kami ininvite!

Pagtatampo pa ni Jhong. 

Karylle: Akala ko kasi tinatamad kayo so di na ko nanginvite. 

Jhong: Wag mo kong pinapaikot kilala kita, alam kong plano mo ito.

Plano kasi talaga ni Karylle na masolo si Vice at hindi magsama ng mga kaibigan kasi everytime na andyan si Jhong palagi silang pinagbabawalan na magdikit/magtabi ni Vice kaya bawat kilos nila kontrolado. Pero dahil close na rin si Vice sa mga kaibigan ni Karylle, di nito natiis na hindi sila iinvite.

Karylle: Palagi mong inaaway boyfriend ko so bakit kita isasama?

Niyakap naman ni Karylle ang braso ni Vice. Natatawa at medyo na nacucute-an si Vice sa ginagawang pagtatanggol sa kanya ni Karylle. Wala pa ring pinagkaiba yung Karylle na naging girlfriend niya noon (golden arrow) at yung Karylle na naging girlfriend niya ngayon (lead arrow).

Jhong: Hoy karylle akala mo hindi ko kayo babantayan dito? binilin ka sa akin ni kuya kim ako malalagot kapag nakauwi na yun at malaman niya na may boyfriend ka na kaya umayos ka ng kilos mo ha. Ikaw rin Vice, wag kang abuso!

Sumimangot si Karylle sa panenermon sa kanila ni Jhong. Sa isip-isip pa ni KArylle, palagi na nga silang pinaghihiwalay sa loob ng bahay pati ba naman sa labas paghihiwalayan pa rin. Eh saan na lulugar?

Jhong: ang haharot! Yakapan ng yakapan, ano kayo teenager? 14 years old? Mga trenta anyos na kayo oy, konting pormal naman at tsaka Vice, ikaw ang dapat mas pormal kasi ikaw yung lalaki.

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon