Nakasilip ang tatlong kaibigan ni Vice na sina Angel, Jugs and Teddy habang pinagmamasdan ang mga kinikilos ni Vice na busy naman sa paper works.
Angel: wala ba kayong napapansin sa kanya simula nung nakalabas siya sa hospital?
Jugs: parang may nagbago kay Vice.
Angel: tama!
Jugs: parang hindi na siya yung Vice na nakilala natin.
Angel: tama!
Jugs: matamlay na siya parati hindi katulad noon na masayahin, ngayon parang bihira na lang ngumiti.
Angel: tama na naman!
Jugs: Pakiramdam ko nga minsan parang ayaw na niya tayong makasama. Parang ayaw niya sa atin o ayaw na niya sa buhay niya kaya minsan gusto na lang niya mapag-isa.
Angel: check na check!
Teddy: kayo naman, parang nakita niyo lang minsan na malungkot si Vice hinusgahan niyo agad.
Angel: palagi kaya siyang ganyan, productive sa work pero hindi mo siya makausap bilang kaibigan. Parang hindi na nga ata ngumingiti si Vice natin eh. Hindi na sumasama sa mga lakad natin, sasama lang siya kapag work related. Laging nagmumokmok sa bahay.
Jugs: kahit lunch hindi na rin sa atin sumasama si Vice, di ba? di ba?
Angel: at lunch talaga ang naisip mo ngayon ha! pero totoo yan.
Jugs: parang may mabigat na problemang pinagdadaanan si Vice ngayon.
Teddy: paano mo naman nasabi?
Jugs: eh kasi palaging malungkot tapos isang tanong, isang sagot tapos aalis na agad.
Teddy: so sa tingin mo dahil dun may problema na agad siya?
Jugs: hindi lang naman yun kuys, sa tuwing papasok si Vice ang tamlay ng itsura. Parang mas gugustuhin ko pa nga dati na bugnutin siya pero ngayon, ang tahimik na niya. Kapag may nagkakamali, hindi na lang siya magsasalita tapos aayusin na lang niya ng mag-isa.
Angel: true!
Jugs: feeling ko nga stranger ang tingin ni Vice sa lahat ng taong nakakaharap niya. Minsan makikita mo siya tulala parang ang lalim ng iniisip. Natatakot ako para sa kaibigan natin. Mukhang kailangan niya ng makakausap.
Dahil sa sinabi ni Jugs, naisip naman ni Teddy na baka nga kailangan ni Vice ng tulong mula sa kanyang mga kaibigan.
Teddy: Angel, mabuti pa kausapin mo na.
Angel: huh? Bakit ako?
Teddy: ikaw yung babae dito hindi maiilang si Vice sa'yo na magkwento.
Angel: di kaya mas lalo siyang mailang kasi babae? Kung kayo na lang ni Jugs ang kumausap.
Teddy: hindi ako pwede kasi nga nagka-diskusyon kami ni Vice last week, baka mainis sa akin.
Angel: oh eh di Jugs, ikaw na kumausap.
Jugs: hala bakit ako? baka magalit sa akin yan baka mag-away kami. Kuys Teddy, ikaw na lang. Last week pa yung awayan niyo, nakalimutan na ni Vice yun.
Wala namang nagawa si Teddy kaya naglakad na siya papunta kay Vice pero nakakaisang hakbang pa lang ito bumalik agad kay Angel and Jugs.
Teddy: bakit ako?
Angel: Teddy naman andun ka na eh!
Teddy: paano kung sa akin magalit? Eh di nag-away na naman kami?