Kinaumagahan, nagising si Vice ng maaliwalas. Ilang linggo na rin ang lumipas ng huli niyang maranasan ang ganito, tahimik, yung kusa siyang gigising sa umaga ng walang nanggugulo. Ngunit aminado si Vice na kahit papano ay nakasanayan na rin niya ang ingay ni Karylle sa umaga.
Pinatay naman ni Vice ang alarm clock, parang isang himala na naunahan pa niya ang alarm clock niya at nagising na siya. Bago pa man bumaba si Vice, dahan-dahan niyang sinilip kung meron bang Karylle na lihim na nagluluto o naglilinis ng bahay niya ngunit wala siyang nakita, tahimik at nakapatay lang ang ilaw.
Pababa na siya ng hagdan ng biglang
Blangag!
~~~
Nakaupo si Vice sa sofa, meron na itong pangatlong sanrio band-aid sa noo. Malungkot niyang pinagmamasdan ang pintuan at hinihintay ang pagdating ni Karylle. Ilang oras na rin siyang naghihintay ng maingay na pagdoorbell nito pero kahit isang pindot man lang, wala siyang marinig.
Sa mga nangyari kahapon, labis ang pagsisi ni Vice sa mga nasabi niya kay Karylle. Hindi naman talaga tama na dinamay pa niya si Karylle sa kung ano yung problema niya at dapat mas nilawakan pa niya ang pag-intindi ditto dahil from the start, alam naman niya na walang kamalay-malay si Karylle sa mga pinaggagawa niya.
DINGDONG // DINGDONG // DINGDONG
Ngiting-ngiti namang tumayo si Vice at dumerecho sa tapat ng pintuan. Nahihiya naman siya sa kung ano ba yung sasabihin niya kay Karylle.
Vice: Karylle, hindi ko sinasadya yung tungkol kahapon, kalimutan mo nay un.
Napakamot naman si Vice, hindi kasi siya sanay ng ganito.
Vice: HOY! Sorry.
Napabalikwas naman si Vice sa mga nasabi niya dahil parang siya pa itong galit, eh sya na nga yung hihingi ng tawad.
Vice: Karylle, I’m sorry.
Huminga muna ng malalim si Vice bago buksan ang pinto. Excited si Vice na may halong tension kaya pinilit na lang niyang ngumiti para hindi halatang kinakabahan.
Vice: Hi Karylle, I’m sor—
“Electric Bill Sir!”
Vice: Ha?
“Electric Bills po.”
Inabot naman ng lalaki ang sobre ng mga pagbabayaran ni Vice sa kuryente. Nalungkot naman si Vice dahil akala niya si Karylle yun, hindi pala.
Vice: Sa susunod wag mong sirain doorbell ko ha, si Karylle lang pwede gumawa nun. Okay?
“Sino po si Karylle?!”
Vice: Wag ka ng magtanong, close tayo?
“Sorry po ser.”
Umalis na yung lalaki pero hindi pa rin mapakali si Vice at sinisilip si Karylle mula sa kwarto nito. First time ata ito, hindi niya makita si Karylle ng halos kalahating araw na ang nakalipas.Labis ang pagsisisi ni Vice, mukhang ganun kalaki ang epekto ng mga nasabi niya kay Karylle dahil sa napakatabil niyang bibig.
Papasok na ulit siya sa loob pero nakatingin pa rin sa katapat na bahay niya at nagbabakasakaling lalabas si Karylle ngunit wala talaga, walang Karylle na nagpaparamdam kay Vice.
Nagtataka naman si Vice dahil wala talagang kahit anino man lang ni Karylle ang nagpapakita sa kanya.
Vice: Bakit ganun yung golden arrow? Hindi masyadong effective, dapat nakikita ko si Karylle ngayon eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/25067660-288-k621380.jpg)