Jhong: Hindi nga pwede yun, Karylle.
Karylle: Bakit hindi?
Jhong: Tatlo lang tayo. Apat na members ang kailangan sa competition na yun, paano tayo makakasali?
Karylle: Tinawagan niyo na ba si Ninong? Nasaan daw siya?
Jhong: Tinatawagan ko araw-araw pero wala sumasagot sa cellphone niya.
Ryan: Ilang beses ko na rin sinubukang tawagan kanina pero ayaw talaga sagutin.
Karylle: Subukan niyo ulit. Ano ba kasi yung importanteng pupuntahan niya at hanggang ngayon wala pa rin siya? Hays.
Umalis naman si Jhong para subukan ulit tawagan si Kuya Kim. Naiwan naman si Ryan at Karylle sa hapag kainan.
Nasa labas pa lang ng bahay, naririnig na ni Vice ang sigawan ng tatlo na nagaaway. Parang sanay na rin naman ang tainga ni Vice sa tuwing sumisigaw si Karylle kaya binalewala na lang niya ito. Nang makita naman ni Vice si Karylle ay agad siyang umupo sa tabi nito. Feel at home na rin naman si Vice sa bahay nila Karylle kasi magkakaibigan na rin naman sila.
Karylle: Anong ginagawa mo dito?
Vice: Makikikain, obvious naman di ba.
Nakita naman ni Vice na hindi pa ginagalaw ang pagkain na nakahain kaya naman kinuha na ni Vice ang kutsara at naglagay ng kanin sa plato niya. Apat na plato na ang hinahanda nila dahil nasanay na rin sila na andun si Vice sa oras ng pagkain.
Karylle: Sa dami ng kapitbahay mo dito ka pa talaga makikikain, wala na nga kaming makain dito.
Nakaready na sana si Vice kumuha ng ulam kaso binitawan na rin niya saglit yung serving spoon at tiningnan si Karylle.
Vice: One cup of rice lang 'to, grabe Karylle ang damot.
Karylle: Half rice lang kami tapos ikaw one cup? Wow ha.
Naguilty naman si Vice kaya kinalahati niya yung kanin at binalik yung kalahati.
Vice: Okay na?
Karylle: Half rice per person kung good for three, eh apat na kaya tayo.
Vice: Karylle!
Karylle: oh? ano?
Vice: Okay. Okay. Hati na lang tayo.
Sumimangot naman si Vice dahil from ½ magiging ¼ na lang. Mukhang hanggang lalamunan lang 'to, hindi na aabot sa sikmura niyang gutom. Pero dahil nakikikain lang naman siya, hindi naman siya pwedeng magreklamo. And from half rice, hinati niya ulit yun. Yung ¼ na natira pa kay Vice, nilagay na niya sa plato ni Karylle.
Vice: okay na? pwede na ba kong kumain?
Karylle: Good.
Ngumiti lang si Karylle sa pagsunod ni Vice. Si Vice naman ang mismong naglalagay ng pagkain sa plato ni Karylle habang tinitingnan pa rin si Jhong sa may sulok na hinihintay naman na sagutin ni Kuya Kim ang tawag. Nauna naman si Vice kumain sa tatlo.
Ryan: Bukas na yung deadline ng registration. Kung hindi makakabalik si Kuya Kim, hindi na naman tayo makakasali ngayong taon.
Nalungkot naman ang mukha ni Ryan.
Karylle: Makakasali na tayo ngayon, pwede ba. Hindi na nga tayo pinasali last year pati ba naman ngayon? Hindi na pwede!
Ryan: Pero paano kung hindi—
Karylle: Walang pero basta sasali tayo at mananalo tayo dun.
Kumuha naman si Karylle ng isang saging, binalatan yun at pagkatapos ay inabot kay Vice. Bago abutin, kinagatan muna ni Vice habang hawak ni Karylle at tsaka na kinuha. Matapos ay nilagyan pa ni Karylle ng tubig ang baso ni Vice.
