Arrow 19

3.1K 186 44
                                    

Nagkalat ang mga dyaryo, markers, contact numbers sa lamesa ni Vice. Nakabukas rin laptop nito habang naghahanap ng bagong trabaho.

Kaye: Vice, hindi ka ba nag-iisip? Tingnan mo nga, kahit sarili mo napapabayaan mo na ng dahil sa kanya. Hindi ka na nga pumapasok sa opisina para lang sa kanya? Tapos ngayon, ikaw yung napeperwisyo.

Naalala naman ni Vice ang naging pag-uusap nila ni Kaye.

Vice: Hindi... hindi na ko pwedeng bumalik dun. Kailangang maghanap ng bagong trabaho.

Habang nagbrowse, narinig naman ni Vice na tumutunog yung door. (May tumutunog na *toot toot toot toot* sa may door, may taong nagtatry ng passcode ng door niya para makapasok sa loob)

Sisilipin na sana ni Vice kung sino yung papasok pero di na natuloy kasi nakita na niya si Karylle.

Naiwan ni Vice na nakabukas yung laptop niya. Hindi niya na napansin na nasa newsfeed pala ang picture ni Karylle, nasa listahan ng mga taong nawawala sa sarili. Hindi, listahan pala talaga ng mga taong ilang buwan ng nawawala. Sa tagal ng pagkawala ni Karylle marahil pinaghahanap na siya ng pamilya niya.

Vice: Pano ka nakapasok?

Karylle: Binuksan ko yung door.

Vice: Ang ibig kong sabihin, pano mo nalaman yung passcode ko?

Nagsmile na lang si Karylle at hindi na inexplain na napulot niya yung piece of paper kung saan nakasulat yung passcode niya na ibibigay sana kay Karylle kaso nahiya kay K kaya hindi na nabigay.

Vice: Hay oo nga pala nakalimutan ko, stalker nga pala kita.

Karylle: Wow ha.

Vice: Wow ha.

Panggagaya ni Vice kay Karylle at sabay ngumiti sa isa't-isa na parang nagkakaintindihan kahit walang matinong pinaguusapan.

Kung dati, laging binubulyawan lang siya ni Vice tuwing magkikita sila ngayon may pangiti-ngiti pa si Vice at halatang excited everytime na bibisita si Karylle sa kanya.

Napadako naman ang tingin ni Karylle sa mga nakakalat sa lamesa.

Karylle: Anong meron?

Vice: Ahhh ito, wala. Wala lang ito.

Titingnan n asana ni Karylle yung laptop ni Vice pero bago pa man yun, sinara na ni Vice at tinago. Ayaw rin niya kasing ipaalam kay Karylle na nagresign na siya kasi ayaw rin niya itong mag-alala.

Vice: Ano bang ginagawa mo dito?

Naupo naman si Karylle sa couch at tinabihan siya ni Vice.

Karylle: Hulaan mo.

Vice: Ayokong hulaan. Bakit ka andito?

Sumimangot naman si Karylle sa pagka-KJ ni Vice. Nilabas na lang niya yung cards na hawak niya.

Karylle: Tadaaaaa! *smiles*

Kinuha naman ni Vice yung cards na hawak ni Karylle, tiningnan niya back to back pero walang nakasulat. Lahat blanking cards lang. Naglabas pa si Karylle ng dalawang ballpen at hinati sa dalawa yug set of cards.

Vice: Anong meron? Para san ito?

Karylle: Para sa future natin.

Vice: Huh? Ano?

Karylle: Kasi base sa nabasa ko hindi daw maiiwasan ng couple ang mag-away at minsan nauuwi na sa HIWALAYAN. Or kung hindi man mag-away, laging magkasundo kaso nagkakasawaan sa isa't-isa at nauuwi rin sa HIWALAYAN.

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon