Arrow 5

2.6K 138 38
                                        


Matapos maudlot ang pagkikita nila ni Karylle kahapon, ipinangako ni Eros na dadalhin niya si Vice sa bahay mismo ni Karylle.


Nakita naman ni Vice sa ilalim ng puno ang ilang pamilya na natutulog lang sa sahig. Hindi mapigilan ni Vice ang maawa sa sitwasyon nila lalo na't dito rin natutulog si Karylle. Siguro ay kaya pinigilan siya ni Eros kahapon sa dapat nilang pagkikita ay dahil baka hindi pa siya handa na makita ang ganitong kalagayan ni Karylle. Napatingin naman si Vice sa isang kulot na babaeng nakabalot sa manipis na tela. Hindi inakala ni Vice na ganito pala ang buhay ni Karylle ngayon, kung maaalala niya kasi kahapon maayos ang hitsura nito. Hindi na napigilan ni Vice ang pagtulo ng kanyang luha ng makita si Karylle.


Mabilis namang niyakap ni Vice ang babae habang umiiyak. Mahigpit ang kanyang pagkakayakap na parang ayaw na niya itong pakawalan.


Vice: Sorry, hindi ko alam. Sorry wala ako noong mga panahon na kailangan mo ko. Sorry kung sa tingin mo pinabayaan kita. Sorry kung hindi agad kita nahanap pero andito na ko, hindi na tayo magkakahiwalay pa.


Tinanggal naman ng babae ang kumot niya at napalayo si Vice ng makita ang isang matandang babae na kulot at walang pustiso. Puyat kasi si lola dahil umaga na itong nakauwi galing Valkyrie kasama ang friends niya.


"Ano naman ngayon kung andito ka na? Bakit kras mo ba ko hijo ha?"

Pabulyaw na sigaw ng matanda at bumalik ulit sa pagkakahiga.

Vice: ay pasensya na po lola, akala ko kasi kayo yung kakilala ko.

Lumapit naman si Vice kay Eros at nagtataka kung bakit siya pinaniwalang doon nakatira si Karylle kahit hindi naman.

Vice: Bakit hindi mo man lang ako pinigilan? Napagkamalan ko tuloy si Lola na si Karylle.

Eros: Akala ko kasi close kayo eh kaya hinayaan ko muna kayong magbonding.

Napailing na lang si Vice ka Eros.

Eros: Tsaka doon pa sa kabilang kanto ang bahay nila ikaw naman masyadong excited.

Vice: nila?

Hindi naman sinagot ni Eros si Vice sa halip ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Sumunod na lang si Vice kay Eros.



Nang makarating na sila, tumigil si Eros ilang distansya mula sa bahay nila Karylle. Hinila niya si Vice at nagtago sa likod ng poste. Naguguluhan man pero sumunod na lang si Vice sa kung ano ang ginawa ni Eros.

Magtatanong na sana si Vice ng makita niya si Karylle na lumabas ng bahay para magtapon ng basura. Napangiti naman si Vice at akmang lalapitan si Karylle pero pinigilan siya ni Eros.

Eros: dito lang tayo.


Hindi naman nagreklamo si Vice at nagstay lang siya ilang metro ang layo sa posisyon ni Karylle. Hindi mapigilan ni Vice ang mapangiti at maluha ng makitang muli si Karylle. Noong dati ay parang sa panaginip na lang niya ito nakikita ngayon ay totoo na. Pinunasan naman ni Vice ang luha sa mata niya. Habang nakikita ni Eros ang pagkasabik ni Vice kay Karylle, hindi nito mapigilan ang maawa.


Eros: Hindi ako nagpakita sa'yo ng ilang buwan hindi para guluhin ang isipan mo kung totoo ba yung mga nangyari o hindi. May mga rason ako at ngayon gusto kong malaman mo na hindi na ito katulad ng dati. Naalala mo pa noong tinulungan kita para magkagusto sa'yo ang kaibigan mong si Kaye?

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon