Isang bata naman ang lumabas sa tabi niya. Nakaupo ito at nakapalumbaba habang tinitingnang mabuti si Vice na sayang-saya sa buhay.
Palinga-linga pa ang batang ito sa paligid at tinitingnan kung ano ba yung pinagtatawanan ni Vice.
Eros: Mukha kang tanga.
Napalingon naman si Vice sa isang pamilyar na boses.
Vice: Eros?!
~
Coffee Shop
Vice: Hello Eros! Hello Eros!
Nasasakal naman si Eros sa ginagawang pagyakap ni Vice sa kanya at naiirita na rin sa ginagawang paggulo sa buhok niya.
Eros: Bitiwan mo nga ako!
Vice: Namiss kita Eros!
Nilayo naman ni Eros ang labi ni Vice na hahalikan sana siya sa pisnge bilang pagwelcome.
Inayos naman ni Eros yung suit niya at inirapan si Vice sabay naupo na ulit. Pangiti-ngiti lang si Vice kay Eros na parang shunga na masayang-masaya sa buhay niya.
Vice: Bakit mo ko hinahanap, little bro?
Eros: little bro?
Pagtataka ni Eros kay Vice. Balita niya kasi everytime na nagkikita sila ni Vice, laging mainit ulo nito kaya nauuwi lang ang paguusap nila sa pagtatalo.
Eros: Ew.
Natawa na lang si Vice.
Vice: Ano bang kailangan mo? May kailangan ka ba ngayon?
Naging seryoso naman ang mukha ni Eros dahil sa naalala niya kung ano ba talaga yung pakay niya kay Vice.
Nabalitaan kasi ni Eros yung nangyaring confession ni Vice kay Kaye at alam niyang hindi naging successful yun for sure. Kaya naman nagmadali itong bumalik kay Vice para sana icomfort yung kaibigan niya na sobrang malungkot dahil broken hearted pero sa nakikita niya mukhang kabaligtaran ata at parang may mga anghel na nakikita si Vice sa paligid niya sa sobrang saya nito.
Nag-aalala lang naman si Eros kay Vice, si Vice, kasi yung unang taong naging kaibigan niya.
Eros: Wala, napadaan lang.
Vice: Ohhh
Sabay sip ng frappe.
Tinititigan namang mabuti ni Eros ang mga mata ni Vice at pinagmamasdan kung may bahid ba ng luha sa mata nito dahil sa mga nangyari.
Vice: Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan?
Inalis naman ni Eros ang tingin niya pero mabilis na chineck ulit baka nagkakamali lang siya ng tingin. Nagtataka naman si Vice sa kaweirduhan ni Eros.
Eros: Pambihira, yung last time na nakita ko siya humahagulhol kakaiyak dahil kay Kaye bakit ngayon hindi na.
Bulong ni Eros.
Vice: Ano yun?
Eros: Nabalitaan ko kasi na umamin ka na kay Kaye, kamusta? Okay ka lang ba?
Dahil kay Karylle nakalimutan na ni Vice yung nangyaring yun pero dahil dumating si Eros, ayan naalala na naman ulit ni Vice. Nalungkot na naman tuloy si Vice.
Vice: Ayos lang naman.
Eros: Anong ayos lang naman?
Vice: Nung malaman ko na may gusto rin pala siya sa akin, nagkaron ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Akala ko mababago ko yung isip niya na magpakasal sa iba...hindi pa rin pala.
![](https://img.wattpad.com/cover/25067660-288-k621380.jpg)