Pilit inaabot ni Eros ang switch at ng maiturn on niya ito ay nakita niya kung gaano kalinis ang bahay ni Vice. Napansin rin niya na wala doon si Vice.
Eros: Saan kaya pumunta yun?
Sinubukan namang puntahan ni Eros ang kwarto, kusina pati ang banyo pero hindi niya pa rin makita si Vice.
Napakamot ng ulo si Eros at aalis na sana ng makita si Angel na aligagang papasok ng bahay. Natakot naman si Eros ng maiwang bukas ang pinto, hindi niya ito nasara ng pumasok siya kanina.
Nagtataka naman si Angel pero dumiretso na lang siya para hanapin yung totoong pakay niya dun.
Angel: Vice!
Sigaw nito.
Eros: Wala si Vice.
At dahil hindi naririnig at nakikita ni Angel si Eros, dumiretso pa rin si Angel sa kwarto ni Vice. Sumunod naman sa kanya si Eros.
Angel: VICE!!!
Eros: Galing na ko dyan, wala siya.
Matapos ay chineck na rin ni Angel ang banyo.
Eros: Wala rin siya diyan.
Angel: Ah! baka nasa kusina.
Eros: Wala siya dun, galing na kaya ako dun.
Nagmadali namang bumaba si Angel para icheck kung nasa kusina ba si Vice. Makikita sa mukha nito ang pagiging balisa. Sumunod na lang ulit si Eros sa kanya.
Angel: VICE!
Eros: Oh di ba ang kulit mo sabi sa'yo wala siya dito eh.
Angel: Ay, baka nasa likod.
Sumunod ulit si Eros kay Angel na pumunta sa likod ng bahay. Pero ng makita ni Angel na wala si Vice ay naiyak na lang ito. Nagulat naman si Eros ng makitang nakaupo na si Angel at umiiyak.
Eros: Ayan, sabi ko kasi sa'yo wala dito hindi naman ako sinungaling.
Patuloy lang sa pagiyak si Angel at nagmadaling kinuha ang cellphone niya para tawagan si Jugs and Teddy.
Angel: Wala si Vice dito so baka totoo nga, puntahan niyo na siya sa hospital. Susunod na lang ako doon. Please Teddy, itext mo ako kaagad kung okay lang siya.
Nanlaki naman ang mata ni Eros ng marinig ang masamang balita, ang dahilan kung bakit umiiyak si Angel.
Eros: HOSPITAL?!
Sigaw ni Eros na mas oa pa sa iyak ni Angel kanina. Hindi na nagtagal pa si Angel, umalis na agad ito sa bahay ni Vice. Sa mga narinig ay hindi na rin umalis si Eros sa tabi ni Angel.
Eros: Bakit nasa hospital si Vice? Anong ginagawa niya dun?
Sumakay naman ng sasakyan si Angel at doon ay sumunod pa rin si Eros. Naupo rin ito katabi ni Angel.
Eros: Angel, tinatanong kaya kita bakit andun si Vice?
Angel: Sana hindi ikaw yun, sana hindi totoo. Diyos ko, maawa naman kayo sa kaibigan ko hindi pa nagkakagirlfriend yun.
Sabi ni Angel habang umiiyak.
Eros: Hindi ko maintindihan, tigil ka muna sa kakaiyak pwede?
Angel: Sana buhay pa ang kaibigan ko, iligtas Niyo po siya sa bingit ng kamatayan.
Sabi nito at pinunasan ang luha niya. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Eros ng marinig yun kay Angel at kahit siya ay gusto na ring paliparin ang sasakyan makarating lang sa hospital kung nasaan si Vice.