Isang tunog ng mga kawali, nababasag na baso at plato at naglalaglagang kutsara at tinidor ang nagbigay ng matinding kaba kay Vice habang nasa loob ito ng banyo. Napasigaw na lang siya dahil for sure isang tao na naman ang may kagagawan nito.
Vice: Paano kaya nakapasok ang babaeng yan!
Nagtapis lang ito ng tuwalya at hinugasan ang mukha niyang puro sabon. Hindi pa kasi tapos maligo si Vice kaya naman puro sabon pa ang katawan at basa ang buhok. Nagmadali siyang lumabas at bumaba para pumunta sa kusina ng mahulog na naman ito sa hagdan dahil sa malaking katangahan charot dahil sa dulas DAW ng sahig. Nasalo na naman siya ng unan ni Kaye at tumayo na ulit para puntahan ang nagwawalang si Karylle sa kusina.
Vice: Hoy babae, san ka dumaan--
Nagulat si Vice dahil hindi si Karylle ang nasa harapan niya. Ang matagal na niyang hinihintay, sa wakas nagpakita na walang iba kundi si
Vice: EROS!
Tahimik lang na hinahalo ni Eros ang tinimpla niyang kape at naupo sa counter. Nakadekwatro pa ito at tiningnan lang si Vice. Sobrang excited naman si Vice dahil nagpakita ng muli si Eros at magagawan na ng solusyon ang problema niya kay Karylle.
Hindi na lang pinansin ni Vice ang mga nabasag na baso at plato ni Eros pati ang mga nahulog nitong kutsara at tinidor. Nagtimpla kasi si Eros ng kape, eh hindi niya alam kung paano at ang tagal namang gumising ni Vice kaya siya na lang ang nagtimpla para sa sarili niya kaso ayun lang, di siya marunong kaya ang daming nabasag at nagkalat na powder sa sahig.
Vice: So ano? Kamusta?
Eros: I'm doing good. Ikaw?
Gustong sabihin ni Vice na hindi kaso lang syempre ayaw na niyang magaway ulit sila ni Eros kasi nga baka magwalkout na naman.
Vice: syempre ayos lang! Nasa good mood ka na ba?
Eros: Yeah.
Vice: Okay, so pano na si Karylle? Nababawi ba yung arrow na binigay mo sakanya?
Tumango na lang si Eros at nginitian si Vice.
Vice: WOW! GOOD GOOD! So tara na!
Eros: San tayo pupunta?
Vice: Kay Karylle! Babawiin na natin yung arrow mo para maging maayos na lahat. Syempre kawawa din naman yung tao, may sarili din syang buhay na sinira natin.
Eros: I cant do that.
Vice: ANO?! Akala ko ba sabi mo nababawi yung arrow?!
Eros: Oo nga, nababawi nga
Vice: EH BAKIT NGAYON SABI MO HINDI PWEDE?!
Eros: Okay, explain ko after uminom ng coffee
Vice: hay ang hirap talaga makipagtalo dito sa bubwit na ito.
Eros: Ano sabi mo?
VIce: Wala! Wala po.
Ilang oras pa ang lumipas bago maubos ni Eros ang kape. Nang maubos ito, doon na guminhawa ang pakiramdam niya at parang nasa langit. Nagsilabasan na naman ang hearts sa paligid niya at maya-maya lang ay nawala an rin.
Vice: So ubos na, pwede na?
Eros: Okidoki!
Lumipad si Eros sa harap ni Vice para makausap ito ng maayos.
Eros: Ganito kasi yan,
Nakapamewang pa ito at ipinaliwanag kay Vice ang sitwasyon.
Eros: Pwede naman talagang mabawi but unfortunately, sa sitwasyon ngayon, hindi na pwede. It's too late.
