Arrow 12

2.3K 116 29
                                        

Nagising si Vice na sobrang masakit ang ulo. Pinilit naman niyang bumangon at nagulat siya ng makita ang paa ni Jhong at Ryan na nakapatong sa kanya. Mabilis naman niyang inalis yun, nagmadaling kinuha ang shirt niya at nagbihis.


Kabaligtaran ni Vice, maagang nagising naman si Karylle. Habang sinusuklay ang kulot niyang buhok, bigla na lang siyang mapapangiti. Hindi mapigilan ni Karylle na maalala kung paano dumampi ang labi ni Vice sa kanya at kung ano pa ang nangyari matapos nun.

Matapos ang buong magdamag na pagsusuklay ni Karylle ng buhok, kumuha ito ng hair clip at inipit sa kanang side ng buhok niya at nakangiting pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Pagkabangon ni Vice, pinuntahan agad niya ang mga kalat niya kagabi. Habang nagliligpit, nasaktuhan naman ang paglabas ni Karylle sa kwarto niya. Kung di ka nga naman sineswerte, umagang-umaga nakita niya agad ang bebe niya. Agad namang kumaway si Vice kay Karylle at sumigaw ng 'good morning'.

Nang marinig at makita ni Karylle si Vice, bigla itong nagmadaling pumasok ulit ng kwarto. Natataranta at halos mauntog pa sa pinto sa pagmamadali.

Napakamot naman ng ulo si Vice sa ginawa ni Karylle.

Vice: may nagawa na naman ba kong mali?

Tanong ni Vice sa sarili na halatang naguguluhan sa pagkaaligaga ni Karylle.

~

Oras na ng almusal, sabay kumakain si Karylle, Jhong and Ryan. Kakasimula lang nila kumain, nagtatawanan pa ang tatlo sa kwentuhan nila ng dumating si Vice.

Nakita naman ni Vice ang free seat sa tabi ni Karylle. Habang hawak ang tray ay tinabihan niya agad si Karylle. Kakaupo lang ni Vice ng biglang tumayo si Karylle dala yung tray niya na ang ibig sabihin ay tapos na siyang kumain. Nagulat naman si Vice sa ginawang yun ni Karylle pero hindi na lang niya binigyan ng ibang kahulugan ang pagiwas ni Karylle.

Jhong: May problema ba kayo ni Karylle?

Ngumiti lang si Vice at hindi na lang sinagot ang tanong ni Jhong. Di rin niya kasi alam kung galit ba si Karylle sa kanya o hindi.

1hour before the competition

Hinahanda na nila Vice ang gamit nila, kasama rin niya sina Jhong and Ryan. Naisipan naman ni Karylle na puntahan si Jhong and Ryan sa pagaakalang hindi nito kasama si Vice. Medyo hindi pa rin kasi siya ready na makita si Vice ngayon, hindi rin niya alam kung bakit basta ayaw lang muna niya.

Ngiting tagumpay si Karylle dahil papunta pa lang siya sa room nila eh nakasalubong na agad niya ang dalawa. Excited naman si Karylle at nagmamadaling lapitan sina Jhong and Ryan, pasigaw na sana siya ng makita niya rin si Vice na nakasunod rin pala sa dalawa.

Naglakad naman agad si Karylle sa ibang way after niya makita si Vice at yumuko pa para hindi siya nito makita. Hindi naman napansin ni Jhong and Ryan si Karylle. Tumigil naman sa paglalakad si Vice.

Vice: Ah sige, mauna na pala kayo.

Ryan: Huh? Bakit?

Vice: May iba pa pala akong gagawin.

Ryan: Puntahan natin si Ate Karylle, malapit na tayo magstart.

Vice: Hindi sige, kayo na lang. Ano kasi baka galit sa'kin.

Napailing na lang ang dalawa at hinayaan ang gusto ni Vice.

Nang makaalis ang dalawa, nagmadali namang tumakbo si Vice sa way kung saan niya nakita si Karylle.

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon