Nagkalat ang mga balat ng chichirya, nabuhos na tubig at ang ilang pictures ni Vice sa sahig. Pati ang mga unan ay nakakalat na rin sa floor habang si Eros nakataas ang paa, hawak ang remote habang naglilipat ng channel sa tv.
Eros: Nasaan na kaya si Vice? Siguro nageenjoy na yun.
Sinubo naman ni Eros ang huling piraso ng chichirya.
Eros: Sabi niya nung nakaraan nagkakasundo na sila ni Karylle pero parang hindi naman ganun ang nakikita ko. Baka kung ano na ang nangyari kay Vice, puntahan ko kaya?
Nagmadaling tumayo naman si Eros para puntahan si Vice at iniwan na ang mga kalat sa bahay ni Vice.
In the province
Isang malaki at kulay itim na pasa sa kaliwang mata ang masusing tinitingnan ni Jhong at Ryan sa mukha ni Vice. Pinagiisipan nilang mabuti kung ito lang ba talaga ang natamo ni Vice sa mga kamay ni Karylle kasi parang masyadong mabait ata si Karylle, alam nila malala pa dapat eh.
Jhong: Magpasalamat ka yan lang ang inabot mo.
Napansin ni Ryan ang mga kagat ng lamok sa braso ni Vice.
Ryan: Saan ka natulog?
Vice: Sa labas rin. Bawal daw pumasok eh sabi ni Karylle.
Nakangiti naman si Vice habang may nakalagay na icebag sa mata niya. Umagang-umaga nakangiti at tulala si Vice na iniimagine kung gaano kaperfect si Karylle. Nawiweirduhan naman si Jhong at Ryan sa mga ngiti ni Vice, si Vice lang ata yung nabugbog na't lahat masaya pa rin.
Jhong: Ano ba ang ginawa mo kay Karylle at ganyan ang ginawa sayo?
Vice: Hinalikan ko.
Naibuga ni Ryan ang tubig na iniinom dapat niya after ng sinabi ni Vice.
Vice: Hinalikan ko...sa pisngi. Ayaw pala niya nun, akala ko gusto niya eh.
At napangiti naman si Vice sa pagaakalang yun. Nagtataka at naguguluhan sina Jhong kung saan ba nakuha ni Vice ang idea na yun kasi kilala naman nilang lahat si Karylle.
Maliban sa pagaalala sa hitsura ni Vice, mas nagaalala sila sa tuluyang pagkabaliw ni Vice kay Karylle. Hindi na healthy ito.
Jhong: Kakain na tayo, wala pa rin si Karylle malamang tulog pa yun puntahan mo na.
Utos ni Jhong kay Ryan. Tatayo na sana si Ryan ng nauna namang tumayo si Vice. Meaning, gusto niyang siya na ang sumundo kay Karylle. Nagtataka naman si Jhong dahil mukhang hindi pa ata nakukuntento si Vice sa blackeye niya, gusto pa atang madagdagan.
Jhong: Sigurado ka ba? Eh di ba sabi mo hindi ka pinapasok kagabi baka galit pa yun sa'yo.
Vice: Ano ka ba, nakatulog na si Karylle malamang nakalimutan na niya yun. At tsaka nararamdaman ko namimiss na ko nun.
May mga bagay talaga sa mundo na nadadaan sa lakasan ng loob. Kumpyansa lang, puso.
Dahil sa nararamdaman niya, nagmadali namang pinuntahan ni Vice si Karylle para sunduin. Mukha naman siyang nageenjoy sa ginagawa niyang paghabol kay Karylle.
Jhong: Two days. Two days lang ang itatagal nyan, susuko na yan.
Ryan: One day sa akin.
Samantala, nageenjoy si Karylle sa mainit na tubig na dumadampi sa kanyang katawan. Nilipat naman ni Karylle ang tugtog, sanay kasi siya na nagpapatugtog ng music habang naliligo at minsan pa ay sinasabayan din niya ito sa pagkanta.