Recap:
Unang misyon ni Eros ang panain ang di kilalang babae pero dahil sa kung anu-anong kamalasanan, hindi niya ito magawa. Akala niya dito na magtatapos ang career niya bilang kupido pero biglang may isang lalaki ang tumulong sa kanya. At yun ay walang iba kundi si Vice.
Ilang taong nilihim ni Vice ang nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan niyang si Kaye. Dahil busy siya sa kakatago ng nararamdaman, hindi na niya napansin na meron din palang gusto sa kanya ang kaibigan niyang si Kaye pero natapos ang istorya nila ng magdesisyon si Kaye na magpakasal sa iba.
Dahil dyan, to the rescue naman si Eros para tulungan si Vice. Si Eros/Cupid ang tutulong kay Vice para ipagpatuloy pa SANA ang naudlot na istorya nila ni Kaye. Ngunit dahil sa matinding kashungahan, este dahil sa isang pagkakamali napana ni kupido ang isang katol girl na nag-ngangalang Karylle.
Si Karylle ang MAHIYAIN, DALAGANG PILIPINA at LIHIM DIN daw na nagmamahal kay Vice. Dahil sa pagkakamali ni Eros, napilitan si Vice na kupkupin at alagaan si Karylle habang ginagawan din ni Eros ng paraan ang love story ni Vice at Kaye.
Pero sa HINDI INAASAHAN at HINDI KAPANI-PANIWALANG pagkakataon para kay Vice, nagkagusto na rin siya kay katol girl.
Di man matanggap ni Vice sa sarili niya na magkagusto kay Karylle pero wala naman siyang magagawa, vicerylle fanfic kasi ito.
Maliban sa relasyon ni Vice kay Karylle, naging matibay rin ang pagkakaibigan ni Vice at Eros. Sa katunayan, sweet silang naghahampasan, nagkukurutan at nagsisipaan dahil sa palpak na plano ni Eros.
Dumating rin sa buhay ng Vicerylle si Apollo, ang naging kaibigan naman ni Karylle. Si Apollo din ang pinagseselosan ni Vice at tanging nakakaalam ng nagawa ni Eros kay Karylle. Ganun na lamang ang pagprotekta nito kay Karylle dahil kahit siya, naging biktima din ni Eros.
Itutuloy... sa pagpapatuloy pala,
Matapos ang Vicerylle movie date, umalis agad si Eros para gawin ang susunod niyang misyon.
Eros: nakakastress naman.
Nilabas naman ni Eros ang bow and arrows niya ng biglang may humarang sa kanya.
Apollo: Long time no see, Eros.
Dahil sa sobrang takot, nabitawan ni Eros mga gamit niya. Namumutla ito na parang nakakita ng multo.
Eros: anong ginagawa mo dito
Apollo: bakit bawal ba ko dito?
Lumalapit naman si Apollo pero napapaatras lang si Eros.
Apollo: nangangamusta lang naman ako bakit parang natatakot ka? may gagawin ba kong masama?
Napayuko naman si Eros at pinupulot yung mga nahulog niyang gamit kanina. Nag-eenjoy naman si Apollo na makita si Eros na kinakabahan sa kanya.
Apollo: sa ngayon wala, pero wag mo kong subukan. Hindi moa lam kung ano ang kaya kong gawin akala mo nakalimutan ko na?
Bulong nito kay Eros. Natigilan naman si Eros sa mga sinabi ni Apollo at naalala yung nangyari sa lover ni Apollo. (see the previous chapter)
Hinayaan na ni Apollo si Eros, aalis na sana ito ng biglang magsalita si Eros.
Eros: kung ano man ang nangyari, nararapat lang yun.
Apollo: ANO?!
Eros: wala akong ginagawang masama.