Arrow 21

2.7K 133 28
                                    

Sa kabilang banda, bubuksan pa lamang ni Karylle ang pinto ng kwarto niya pero hindi na siya umabot at nawalayan siya ng malay.

Nawalan ng malay si Karylle at nakahandusay sa labas ng kwarto niya. Nakaupo naman si Apollo sa ilalim ng laurel tree niya para matulog. Pero nagising si Apollo ng biglang nagflash ang mukha ni Karylle na humihingi ng tulong.

Biglang minulat naman ni Apollo ang mata niya at naglaho ito sa position niya at sumulpot na lang sa harap ni Karylle.  Nang makita ni Apollo si Karylle na nakahandusay, agad niya itong binuhat at dinala sa loob ng kwarto para ihiga.

Apollo is one of the Greek Gods higher than Eros. He's the greek God for healing and seeing Karylle na nahihirapan, ginawa naman ni Apollo ang makakaya niya para mawala kahit papano yung pain na nararamdaman ni Karylle ngayon. Pero dahil hindi naman ordinaryong karamdaman yung nangyayari kay Karylle, hindi ganun kadaling mawala yun unless si Eros na mismo yung gumawa ng paraan.

Apollo: Gagawa ng kalokohan hindi kayang panindigan.

Nilagyan naman ni Apollo si Karylle ng bimpo at pinunasan ang pawis nito.

Lumipas ang mga araw ng hindi nagpapakita at napaparamdam si Vice dahil sa tampo. At sa bawat araw na yun, si Karylle nakahiga lang sa kama at mas lalong lumalala ang kondisyon. Mabuti na lang andyan si Apollo every night para tulungan si Karylle.

**

Ilang beses ng sinabi ni Eros na bawal magkaroon ng kahit anong koneksyon si Karylle sa mga taong naging parte ng buhay niya before siya tamaan ng arrow. Kapag dumating yung time na may makakilala kay Karylle o kahit mismong sa sarili niya magduda siya kung ano yung totoong pagkatao niya, posibleng may mangyaring masama kay Karylle. 

Kasi  hindi pwedeng mareveal na totoong may Eros/Cupid na nageexist sa mundo kaya lahat ng evidences na maglelead kay Eros lahat yun mabubura sa mundo kasama na pati yung taong tinamaan ng arrow niya.

Tumingin naman si Vice sa phone niya, ilang araw na siyang nagtatampo pero wala man lang text galing kay Karylle.

Vice: Akala mo susuyuin kita? Bahala ka

Tinago naman ni Vice phone niya at pinagpatuloy ang paghahanap ng bagong trabaho.

One night, binisita ulit ni Apollo si Karylle. Pero gaya ng mga nakaraang araw, ganun pa rin si Karylle matamlay at parang lantang gulay. Dahil sa kondisyon ni Karylle, mukhang wala pa rin si Eros para tulungan siya.

Lumapit naman si Apollo kay Karylle at naaawa na sa kaibigan niya.

Apollo: Karylle, I'm sorry wala akong magawa.

Hahalikan na sana ni Apollo si Karylle sa noo ng biglang nakaramdam siyang kakaiba sa may bintana. Mabilis namang naglaho si Apollo.

Dahil sa balitang umabot, nagmadali si Eros para puntahan si Karylle at pumasok ito sa bintana ng kwarto ni Karylle. Dahil hindi siya kasya, pinagsiksikan niya sarili niya hanggang sa makapasok.

Eros: KARYLLE!

Naiiyak naman si Eros ng makita ang kondisyon ni Karylle.Hinawakan naman ni Eros ang kamay ni Karylle. Naupo muna si Eros at dun umiyak sa harap ni Karylle. Instead na gamutin agad ito, umiyak muna siya at humingi ng sorry kay K. Ganun dapat, iyak muna bago iligtas ang bida.

Eros: Kasalanan ko ito, kasalanan ko. Sorry Karylle!

At humagulhol pa si Eros. Matapos umiyak, nilabas naman niya ang gamot ni Karylle at pinainom na ito.

Nakailang check na si Vice ng phone niya pero wala pa ring text or tawag man si Karylle. Everytime na nagchecheck siya ng phone mas lalo lang siyang naiinis kay Karylle.

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon