Arrow 13

3.4K 185 11
                                    

Nakasakay na si Vice sa kotse niya ng makita niya si Karylle na lumabas ng bahay. Sinundan naman niya ito ng tingin at nakita niya na papunta ito sa bahay niya.

Nagsmile naman si Vice at hinayaan na lang si Karylle.

Gaya ng inaasahan ni Vice, pumasok na naman ang legal na akyat bahay ni Vice. Para makapasok sa bahay ni Vice, umakyat na naman si Karylle sa may balcony.

Pagkapasok ni Karylle, nag-iwan naman si Karylle ng makakain ni Vice dahil for sure paguwi nito instant noodles na naman ang kakainin nito.

Angel: Karylle, wag puro Vice ang nasa isip mo. May sarili ka ring buhay, hindi lahat ng bagay umiikot lang kay Vice.

Naaalala naman ni Karylle yung mga panahong nangungulit siya kay Vice at pilit lang siya nitong pinagtatabuyan.

Dahil sa mga ganap, naiintindihan na ni Karylle ngayon ang pinagdadaanan ni Vice.

Karylle: Kaya siguro nakakapagsalita na rin ng hindi maganda si Vice, siguro dahil na rin sa akin.

Nakaisip naman si Karylle ng bright idea.

Karylle: Tama! Hindi dapat ako maging pabigat kay Vice, kailangan kong maghanap ng trabaho at mag-ipon para sa ikabubuti naming mag-asawa at para na rin sa kinabukasan ng mga anak namin.

Mali naman ang interpretation ni Karylle at parang mas lalong tumindi ang pagiging baliw nito kay Vice.

Karylle: Siguro kailangan ko na ring umattend ng family planning program para maestimate ko kung gaano kalaki ang magiging pamilya namin ni Vice.

Naging advance naman mag-isip ito si Karylle.

Karylle: Mag-open na rin kaya ako ng sarili kong bank account? Educational plan kaya para sa mga bata? Ang galing mo talaga Karylle, tama yan, kailangan isecure ang kinabukasan ng mga anak ko!

Namotivate naman si Karylle at ready na para maghanap ng trabaho para sa ikakabuti ng Viceral Family.

Coffee Shop

Nagbabakasakali naman si Vice na makita si Eros sa coffee shop na to since si Eros bigla na lang sumulpot dito. Meron kasi siyang gustong itanong about sa arrows niya.

Papasok na sana si Vice ng biglang may makabunggo siya. Magsosorry na sana si Vice ng biglang humarap yung babae at nagulat si Vice ng makita niya si...

Vice: Karylle?

Tinititigan naman siya ni Karylle at nagsmile lang.

Vice: Anong ginagawa mo dito? Kanina lang nakita kita papasok ng bahay baki—

Biglang nagpupumiglas naman ang babae at nawiweirduhan kay Vice.

"Sinong Karylle pinagsasabi mo?"

Natauhan naman si Vice at nawala na yung mukha ni Karylle, ibang tao pala yung kaharap niya.

Vice: Sorry po.

Pagkaalis naman nung babae, napailing na lang si Vice at nagtataka kung bakit nakikita niya si Karylle sa ibang tao.

Pinagbuksan naman ng guard ng pinto si Vice.

"Welcome po Sir."

Nakita naman ni Vice ngayon si Karylle na nakasuot ng security guard uniform.  Nagulat na naman si Vice dahil sinalubong naman siya ni Karylle ngayon. Nagsmile naman si Karylle sa imahinasyon ni Vice.

Sinigawan naman ni Vice yung guard sa pag-aakalang si Karylle ito.

Vice: Teka, bakit ganyan suot mo? wag mo sabihin na nagtatrabaho ka dito?

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon